06

139 5 5
                                    

Chapter 06: Mad


The chirping of birds and the cold blown of morning wind greeted me when I went out of my room's balcony.

Carrying Oliver in my arms, I smiled at look at the beautiful scenery.

Namiss ko tuloy bigla ang Batangas. Ang kwarto ko kasi sa Hacienda Silvero ay natapat sa magandang tanawin kaya sa tuwing gigising ako galing sa pag tulog ay gagaan agad ang pakiramdam ko.

I miss my province. Mabuti na lang talaga at makakabalik na ulit ako roon. Thanks to my cousins Sports Festival in BNU.

"Ma'am Catalina? Handa na po ang breakfast."

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig doon ang pagkatok ni Rosalinda. Tahimik akong bumalik sa loob at lumapit sa pintuan para pag buksan siya.

Rosalinda smiled at me when she saw me. Laging ganiyan ang mukha niya sa tuwing nakikita ako. Tila nagliliwanag at nag niningning ang mga mata na hindi ko maipaliwanag kung anong dahilan.

Rosalinda is just 1 year old younger than me. Hindi na raw siya nag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay. Nalungkot ako nung maikwento niya iyon. I asked her if she wanted to continue going to school. I'm willing to help her but she refused. Mas pinili niyang mag trabaho para makatulong sa kaniyang pamilya.

"Good morning, Ma'am! nakahanda na po yung mga ipinapahanda niyong ingredients sa akin. Naroon na rin po si Ser Ynigo sa sala, nag-aaral na naman po." sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Today is Friday, right? Hindi ba siya aalis?" kunwari akong natawa, hindi makapaniwala sa narinig.

Sumandal ako sa pintuan at ngumiti habang hinahaplos ang malambot na balahibo ni Oliver, hinihintay ang sagot ni Rosalinda.

Oliver's doing fine at sanay na rin siya rito. Lagi siyang nasa kwarto ko at tabi kaming natutulog. Kahit papaano ay nakakatuwa dahil nasanay na siya sa presensya ng mga tao. Lalo na sa akin. Sobrang lambing niya at gustong laging binubuhat. 

Friday ngayon at wala akong pasok. Ako ang magluluto dahil ang akala ko, aalis si Ynigo. Marunong akong mag luto pero hindi ko ipapatikim ang luto ko sa kaniya! I'd rather die.

"Hindi ko po alam, Ma'am. Pero mukhang wala ngang ibang lakad si ser dahil nakasuot pa rin siya ng pambahay niya. Abala lang sa librong binabasa niya at panay ang highlight." kwento ni Rosalinda.

Natigilan ako.

So he's really not going anywhere?

That's new.

Nagkibit balikat na lang ako bago ibinigay si Oliver kay Rosalinda. Ang sabi ko ay siya muna ang tumingin at mag bantay rito dahil magluluto ako ng umagahan.

Wearing only my dress shirt and cycling shorts, itinupi ko ang sleeves nito hanggang sa aking mga siko. And then I tied my hair in a messy bun.

Taas noo akong lumabas ng kwarto matapos maayos ang sarili. Dahil kami-kami lang naman ang narito sa bahay, malaya akong nasusuot ang gusto kong damit. Wala rin naman silang magagawa kundi ang mag reklamo lang dahil kahit anong gawin nila, susuutin ko ang gusto kong suutin.

Tumatakbo ako pababa ng hagdan habang kinakanta ang paborito kong kanta kaya bago marating ang huling palapag ay sumabog ang buhok ko at bumagsak sa aking mga balikat.

Paano kasi ay hindi mahigpit ang pagkakatali ko.

Napairap ako at kinakagat ang itim na tali bago ko inipon ang mga buhok ko para ulit talian ito. Pagbaba ko sa huling hakbang ng hagdan ay napaangat ako ng tingin. Tumaas ang kilay ko nang madatnan ko ang mga mata ni Ynigo na nakatuon na sa akin ngayon.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon