26

134 3 1
                                    

Chapter 26: Downfall



"That will be our lesson for today. Review the modules for next week's graded recitation. Class dismissed."



Right after our last subject leave our room, agad akong tumayo at Binibining ang Tote bag ko. Isinabit ko iyon sa aking balikat at binitbit ang dalawa kong libro bago nagmamadaling lumabas rin ng room.



Nauna pa nga ako sa mga kaklase ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng gutom at kumukulo na ang tiyan ko!



Kunot noo akong nagtungo sa Gazebo dahil doon ang usapan namin na magkita-kita. Parang lalo akong nakaramdam ng gutom nang maabutan ko roon si Sandra at Hestia na inihahanda na ang mga dala nilang lunchbox.



"There you are!" nakangising pinanood ako ni Sandra hanggang sa makaupo ako sa kanilang harapan.



Bumuntong hininga ako at ibinaba ang mga gamit ko. Dahil hindi ko na mapigilan ang gutom ko ay inilabas ko na ang lunchbox na pinabaon sa akin ni Ynigo.



Walang imik na nauna na rin akong kumain sa kanilang dalawa dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko at hindi ko na kaya pang mag hintay ng ilang minuto para mag pahinga.



"Cat."



Napaangat ako ng tingin kay Hestia nang marinig ko ang pag tawag niya sa akin pero bago ko siya pag tuunan ng pansin ay sumubo pa muna ulit ako sa kinakain ko.



Tumaas pa ang kilay ko dahil nagkatinginan silang dalawa bago ulit ako sabay na nilingon.



"What?" taka kong tanong, malobo pa ang pisngi dahil sa kinakain.



"Are you okay?" maingat na tanong ni Sandra.



"Is there something with me?" taka kong tanong pabalik bago nagpatuloy sa pag nguya.



"Well, we just noticed you're overeating these past few days kaya iniisip namin na baka stress ka or something?" ngumiwi si Hestia.



"Ayos lang ako pero ewan ko ba! Parang kada minuto gusto ko may nginunguya ako." umirap ako sa kawalan.



"Whatever. What's your plans, anyway? Sa susunod na araw na ang birthday ni Ynigo, hindi ba?" pag-iiba ng pinsan ko sa usapan. Nag simula na rin silang dalawa ni Sandra kumain.



"I was planning to bake a cake for him." sabi ko.



Mas maayos na regalo na siguro 'yon kesa naman yung isang kahon ng condom! Umatras ang lakas ng loob ko na ibigay iyon sa kaniya matapos nung nangyari.



"What about the condom?" Hestia laughed. Umirap ulit ako dahil halatang nang-aasar lang siya kaya hindi ko na pinatulan.



Hindi rin kami nagtagal sa Gazebo dahil nang matapos kaming kumain ay nauna na akong nag paalam sa kanila.



I received a text from Ynigo na pauwi na raw siya. Gusto niya pa sana akong sunduin pero tumanggi ako at sinabing doon na niya ako hintayin sa bahay dahil alam kong pagod rin siya. Ayoko namang sadyain niya pa ako rito.



Matapos makapag paalam sa dalawa ay nakangiti akong umalis at tinahak ang daan patungo sa UST parking.



I was so excited to see Ynigo kaya nagmamadali akong hinagilap ang sasakyan ko sa paligid pero ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala nang iba ang mahagip ng aking mga mata.



Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita si Easton na bumaba sa isang puting sasakyan at tinanaw ako.



He smiled a little before waving his hand.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now