04

141 3 0
                                    

Chapter 04: Child


"Cat, I heard from Leon na may Sports Festival raw si Solana at Alisterille sa susunod na linggo. He wants us there to watch them."



Nahinto ako sa binabasa ko at napatingin kay Hestia na ngayon ay nakadapa na sa sofa habang abala ang mga mata sa iPad niya. She's busy playing cooking online games.



Tumaas ang mga kilay ko at napaisip.



"Are you coming? Raj and Valerian will be there, too. Sabado naman iyon gaganapin. I think I can save a date naman. Ayos lang kung a-absent ako ng isang araw sa school. I want to watch Ali and Solana. I miss them so much, you know."



Napanguso ako. Nakabalik na kasi si Solana at ang pagkakarinig ko ay nag simula na ang pasukan sa BNU. Nag simula na rin ang pasok sa UST. Ganoon rin sa LaSalle.



It's been weeks since I moved with Ynigo. We're living under the same roof but treating each other like we're wind or dust. Walang pansinan. Sobrang tahimik.



Kapag may bakanteng araw siya ay lagi siyang nasa sala at nagbabasa ng libro o 'di kaya at gumagawa ng school works niya. Madalas siyang nakababad sa kaniyang readings o 'di kaya naman ay sa kaniyang laptop.



Kapag magkakasalubong kami ay magkakatanguan lang kaming dalawa. Minsan nga ay iignorahin niya lang ako. Gano'n rin naman ako sa kaniya.



We barely talk. Mas mabuti na rin siguro iyon kesa mag away ulit kaming dalawa.



After what happened, we haven't talk to each other again. Kapag kakain kaming dalawa ay malayo kami sa isa't isa. Minsan ay mauuna akong kumain dahil late na siyang nakakauwi.



Not that I want him to join me eat. I can cook. I can eat using my own hands. Hindi ko naman kailangan na samahan niya pa ako.



We have rules. Malaya kaming nagagawa ang mga gusto namin kaya ayoko siyang kwestyunin. Hindi rin naman niya ko pinapakialaman.



"I'll be there." sagot ko kay Hestia nang makapag desisyon.



Alas kwatro na ng hapon nang umalis ako sa condominium ni Hestia. Iyon rin ang oras ng pagdating ni Valerian at Rajiah kaya hindi ko na sila nakausap pa dahil kailangan ko na umuwi.



Bago ako dumiretso sa bahay ay dumaan muna ako sa 7/11 malapit lang sa condo nina Hestia. I want extra foods. Ilalagay ko sa mini fridge na nasa kwarto ko para kapag nag re-review ako at nagutom, hindi ko na kailangan bumaba pa at lumabas ng kwarto para mag halungkat ng mangunguya sa kusina.



I raised my eyebrows when I saw the white Ferrari parking in front of our house.



He's here. Ang aga niya yata ngayon? Madalas ay madilim na ang langit tuwing umuuwi siya. Kapag linggo ay wala siya rito. Kung nasaan siya ay hindi ko na alam at wala akong pakealam. Madalas rin naman akong wala rito tuwing linggo dahil nasa condo ako ni Hestia.



I parked my car beside his. Nang maayos ay tsaka ko pinatay ang mga makina at bumaba na ng sasakyan bitbit ang isang paper bag na puro laman ay groceries. Binitbit ko rin ang school bag ko at isinabit sa aking balikat.



Binati ako ni Rosalinda at nang apat na bodyguards na tangging ipinasok nina daddy para may magbabantay sa amin rito. Apat lang rin ang katulong. Si Rosalinda at ang tatlo pang mas bata sa kaniya.



Pinaakyat ko kay Rosalinda ang mga pinamili ko sa aking kwarto pati na rin ang mga gamit ko. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng baso bago lumapit sa ref dahil kanina pa ako nauuhaw sa biyahe. Sinalinan ko ng malalig na tubig ang baso bago iyon ininom.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now