38

231 3 0
                                    

Chapter 38: It's over



Tulala ako habang inaayos ang mga pagkain sa kusina katulong si Hestia at Chandler. Ang mata at pisngi ko ay malagkit pa rin dahil sa walang hintong pagluha.



Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harapan nilang lahat ngayon na nabuking na ang sikretong iniingatan at itinatago ko.



Nakatulog na raw si Alistair at dinala na ni Ynigo sa kwarto para masamahan. Naroon naman si Trina sa sala habang abala na tinatawagan ang mga kilala niyang magazine writers at ilang kilala na media na makakatulong sa kaniya para linawin sa lahat ang tungkol sa engagement nila ni Ynigo. Marami raw kasi siyang koneksyon.



"Oh god. Hindi ako makapaniwalang natunghayan ko lahat ng iyon." bumuntong hininga si Hestia at naupo sa highchair sa aking harapan. Si Chandler ay tahimik sa aking gilid.



Hinawi ko ang buhok ko patungo sa likuran ng aking tenga bago mag patuloy sa ginagawa.



"Ano na ang plano mo ngayon? Now that Ynigo found out the truth about his daughther at hindi naman pala siya engaged kay Trina."



"Hindi ko alam, Hestia." wala sa sariling umiling ako.



"Chad, may alam ka ba rito? Malapit na kaibigan mo si France. Baka nag-kakausap rin kayo ni Trina?" napalingon ako kay Chandler dahil sa itinanong ni Hestia sa kaniya.



"No, I don't." inosente siyang umiling bago ako nilingon.



"I'm sorry if I hide the truth, Chad." matipid akong ngumiti sa kaniya, inililihis ang usapan.



"It's fine, Cat. Alam ko naman una pa lang na si Ynigo pa rin talaga ang mahal mo. Nagulat lang ako na siya ang ama ni Alistair pero masaya ako para sa iyo. Tingin ko kaya na kitang bitawan." ngumiti rin siya sa akin na nagpakirot sa aking dibdib.



Hindi ako nakasagot at napayuko na lang. Guilt hunt me.



Nawala ang atensyon ko sa kaniya matapos pumasok ni Ynigo sa kusina na hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mga mata dahil sa pag iyak. Nag tama ang paningin naming dalawa.



Sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya.



"Let's talk." hindi tulad kanina na halos sumabog na siya sa galit, mahinahon at kalmado na siya ngayon.



"Let's go, Chad." walang alinlangan na hinila ni Hestia si Chandler paalis sa kusina para maiwan kaming dalawa rito ni Ynigo.



Hindi ko alam kung paano ako aakto ngayon sa harapan niya matapos nung nangyari.



Nag iwas ako ng tingin at itinuon ang mga mata sa sink pero kitgang kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag lapit niya sa akin.



"I want you to tell me everything, Catalina. Explain." utos niya.



Napalunok ako, hindi makatingin sa kaniya.



"I'm... sorry for hiding your daughter from you. Natakot lang ako na baka pati siya maipit sa gulong ginawa ko." panimula ko.



"But you don't have to hide her. Anak ko 'yon, Catalina. Just how heartless you are to do it? Tinanggalan mo ako ng karapatang makasama ang anak ko. Limang taon. Limang taon mo siyang itinago at winalay sa akin. Wala akong alam." mababakas muli ang iritasyon sa kaniyang tono.



"Alam kong malaking pagkakamali na ilayo ko siya sa iyo pero wala akong ibang kakapitan nung mga panahong iyon."



Pinamuuhan ako ng luha, pilit na ipinapaintindi sa kaniya ang mga rason ko pero naiintindihan ko rin naman ang galit niya.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now