10

140 6 3
                                    

Chapter 10: I mean it



Nakanguso at nakapangalumbaba ako habang pinaglalaruan ang lapis sa isa ko pang kamay. Tulala at nag iisip kung paano ko pakikisamahan si Ynigo mamaya pag uwi ko.



Hindi niya pa rin kasi ako kinakausap hanggang ngayon matapos nung araw na sunduin namin si Easton sa airport. I think he's avoiding me and I don't know what the hell is his reason.



Easton checked in near the condominium in UST. Malapit lang rin sa condominium ni Hestia. I haven't see him again after that day, too. Probably still cooling his head. Masyado silang nagkainitan ni Ynigo.





I'm inside the coffee shop, kausap ang organizer ng engagement party na magaganap na bukas ng gabi pero lutang ang isip ko dahil sa mga naiisip.



Umayos ako ng upo at mariing pumikit, kinakalma ang sarili. Bumuga ako ng malalim na hininga.



Come on, Cat. Calm down. You need to face everyone tomorrow night. Keep yourself together.



"What the hell is wrong with you, Cat?" nabalik ako sa katinuan at napaangat ang tingin kay Hestia. Now she's giving me a judging look.



I forgot that she's with me. Nag banyo kasi ang organizer na kasama ko kanina na dumating rito.



Bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa kinauupan ko bago tamad na sumimsim sa inumin ko.



"I don't know what the hell is going on with me, too." I rolled my eyes.



Should I give him a book with apology letter inside of it? Para kasing galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon dahil nabugahan ko siya ng tubig sa harap ng ex ko. It was an insult for him for sure! Nakakahiya!



"Hindi ba dapat ay masaya ka dahil nakabalik na si Easton? Or was it about Ynigo? Did you guys fight again?" pangungusisa niya.



"We didn't fight." tanggi ko. "But, I feel like he's mad at me. Siguro dahil nabugahan ko siya ng tubig sa harapan ni Easton."



"What the hell, Cat?" she chuckled. "Ew! If I were him, itatakwil rin kita."



Sinamaan ko ng tingin ang pinsan ko.



"Just saying." she shrugged.



Natahimik lang kaming dalawa nang makabalik na ang organizer na kausap namin kanina. After having a meeting with them, agad akong lumapit sa sasakyan ko.



"Where are you going?" kunot noong tanong ni Hestia nang makita akong nagmamadali.



"Mauna ka na bumalik sa Condo. May dadaanan lang ako." sabi ko.



She called my name many times pero hindi ko na siya pinansin pa. Sumakay na lang ako sa sasakyan ko at nag manaheo paalis roon.



Huminto lang ako nang makarating ako sa pinakamalaking book store sa Batangas. I parked my car before I went inside the store.



Kaunti lang ang tao sa loob kaya tahimik kong iginala ang paningin ko sa paligid.



He loves reading books so much so I'm gonna buy him one. Siguro naman ay papatawarin na niya ako, hindi ba?



Well, I can actually ignore him. I don't care honestly. Pero may kung ano sa loob ko na ayaw siyang hayaan na ganoon ang trato sa akin.



Hindi ko na alam.



Huminto ako sa science fiction area. Itong Genre ang madalas kong makita na binabasa niya sa sala. Kung hindi ang educational book niya ay puro about business finance naman.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora