11

120 6 1
                                    

Chapter 11: Kiss



Hindi ako mapakali sa loob ng kwartong tinutuluyan ko sa loob ng mansyon nina Ynigo.



I was already inside the venue at isa-isa nang nag daratingan ang mga bisita. Nakahanda na ako at nakabihis na pero dahil sa sobrang kaba ko ay hinid ko magawang kumalma.



Bumuntong hininga ako at humarap sa whole body mirror na naroon, tinitigan ang sarili.



I was wearing a white v-neck floor length dress, revealing my cleavage. They tied my hair in a messy bun, and because it also a backless dress, kitang kita ang maputi kong likod. May hiwa ang dress na iyon kaya kapag gumagalaw ako ay nakikita ang mahaba kong hita at ang suot kong silver heels.



My dress is covered by silver sequences kaya kumikinang ito at lalong gumaganda kapag natatapat sa liwanag na bumagay rin sa makeup at ayos ko.



I already texted Hestia at ang sabi niya ay parating na siya kasama ang mga kapatid niya. Same with Ambrose, Lewis and Sandra. I also invited Easton dahil nakakahiya naman na hindi siya padaluhin lalo na at alam naman na niya ang tungkol rito.



Mabilis lang na kumalat ang balita sa internet at news TV dahil naging highlight kami ng balita. May mga iilan sa mga kaklase at kakilala ko ang gulat sa nalaman. They even tagged and mentioned me on my social media. Some were DM me to greet me about the engagement pero mukhang hindi pa iyon nakakarating sa mga pinsan ko sa Batangas dahil wala pang nakakapag bangit sa kanila tungkol roon.



Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon. Nang makita si Ynigo na nakasuot ng formal suit at nakaayos na rin tulad ko ay huminga ako ng malalim.



"Are you ready? they're waiting for us." aniya.



"Yeah." tumango ako.



Dinampot ko pa ang purse ko bago ako lumapit sa kaniya at lumabas ng kwarto. He closed the door behind me before offering his arms kaya isinabit ko agad roon ang kamay ko.



Pagbaba pa lang namin ng hagdanan ay sinalubong na agad kami ng iilang media at bisita. Hindi kami nakalabas agad dahil nakipag batian pa kami sa kanila.



Kabi-kabila ang mga bisitang bumabati sa akin at kabi-kabila rin ang mga camerang kailangan kong ngitian. Nagkaroon lang kami ng pagkakataon ni Ynigo na makalabas sa likuran ng mansyon nang lumuwag ang daan.



Dumiretso kaming dalawa sa kung nasaan nakaabang ang mga magulang namin para i-welcome ang mga bisita.



I tried to act normal when I finally saw Hestia wearing a black night dress kasama ang dalawa niyang kapatid na parehong nakaformal suit. Kasama rin nila si Tita Ino at Tito Dion na agad akong niyakap at binati.



Maski sila ay nagulat raw sa balita dahil hindi naman raw binabanggit ng mga anak nila sa kanila ang tungkol sa mga nangyayari.



"Ynigo, this is Rajiah and Valerian, Hestia's brothers. Mga pinsan ko sila." pakilala ko sa kanila kay Ynigo na nakatayo sa tabi ko simula pa kanina.



"Nice to finally meet you." nag lahad ng kamay si Rajiah kay Ynigo para makipagkamay. Nag tanguan ang dalawa.



Nakipagkilala at batian rin si Valerian sa kaniya. Napailing na lang ako nang sumunod na bumati at nakipagkamay si Hestia.



She's really waiting for this moment to meet Ynigo personally.



Natigilan lang ako nang mapansin ko ang bandage na nakabalot sa kaniyang palad. Tatanungin ko pa sana siya kung ano ang nangyari doon pero sumunod na dumating si Sandra kasama si Lewis at Ambrose. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin dahil naging abala ako sa mga bisita. 

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now