28

138 3 1
                                    

Chapter 28: Disappeared



Wala akong gana kinabukasan nang magising. Pakiramdam ko ay ubos na ubos na ako. 



Gusto kong manatili buong hapon sa loob ng kwartong kinaroroonan ko pero ayoko rin namang pabayaan ang sarili ko dahil baka maapektuhan pa ang bata sa sinapupunan ko.



Pag labas ko ng kwarto ni Hestia ay naabutan ko ang mga pinsan ay mga kaibigan ko sa sala, pare-parehong tahimik at tulala. Naroon rin si Tita Ino at Tito Dion kasama sina mommy at daddy na hanggang ngayon ay galit pa sa akin.



Hindi sila umuwi kagabi dahil sinamahan nila ako. Bumalik lang siguro ang mga magulang namin rito kanina habang natutulog ako.



Naupo ako sa gitna ni Sandra at Hestia pero agad rin natigilan nang makita kung ano ang pinapanood nila sa TV. It was the event last night and what I confessed in front of everyone.



Napalunok ako nang agad patayin ni Valerian ang TV para hindi ko na iyon makita pa.



"Look at what you've done, Catalina!" umalingawngaw ang boses ni daddy.



Nilingon ko siya. Nakatayo na siya at galit na nakatingin sa akin pero hindi niya ako malapitan dahil nakaharang si Tito Dion sa kaniyang harapan.



"You ruined our family name! Sinira mo ang pangalan ko sa harap ng maraming tao!" dinuro niya ako, galit na galit.



"Iyan lang naman ang mahalaga sa inyo, hindi ba? Your name. It's always your name." malamig kong sabi. "I just did the right thing."



"You did the right thing? By what? By ruining your family's name just to protect those people?" sarkastiko niyang tanong.



"If I ignore you and didn't do it, you'll just cling to your plan. Do you think I will let you do that?" tumayo ako.



Napatayo rin ang mga pinsan ko, naalarma sa biglaang pag galaw ko.



"I'd rather hurt myself, and make myself look bad in front of everyone than let you hurt those innocent people who are important to me; you're blinded by power and money, Dad," I said, disappointed.



Hindi siya nakasagot at hinihingal lang na tumitig sa akin kaya nag patuloy ako.



"Hindi na kaya ng sikmura ko ang mga pinaplano mo. I'm done being your puppet.Una pa lang, simula nung bata ako, hinayaan kitang kontrolin ako dahil desperada akong makuha ko ang atensyon mo dahil anak mo ako." pinamuuhan ako ng luha. "Hinayaan ko kayong ikulong ako dahil sa pag-aakalang iyon ang makabubuti sa akin pero nagkamali ako." 


"Cat, the baby." marahang hinaplos ni Hestia ang balikat ko.



"I let you control my entire life, but this time I'm not going to let you manipulate me again because he's right." mariin kong sabi kasabay ang pagtulo ng aking luha. "I have to stand and fight for myself sometimes, and that time is now. Try to stop me again, and I will live with my own life... away from all of you. Away from here. I'll raise my child alone, and I'll never ask for your help."



"That child is a disgrace to this family, Catalina. Abort it." utos ni daddy na ikinatigil ko.



"Lorenzo! Naririnig mo ba ang sinasabi mo!?" sigaw ni Tito Dion.



"I won't abort the child. I'm keeping it." this is the only one I have that reminds me of Ynigo. I can't afford to lose the child either.



He's all I had but I chose to let him go. Hindi ko na kakayanin kung pati ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa ay mawawala rin sa akin.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now