23

123 2 1
                                    

Chapter 23: Trust



"Ingat ka. Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon. I'll text you to when I get to batangas." inayos ko ang nalukot na kuwelyo ni Ynigo nang makarating kami sa airport.



Nauna na sa loob si Tito at Tita Carmina. Nag pahuli lang talaga si Ynigo para makapag paalam sa akin.



Ngayon ang alis nila patungong France. Talagang nag pumilit lang ako na ihatid siya bago ako umalis mamayang hapon pauwi ng Batangas.



Ilang araw na lang at Pasko na. Hindi na rin kami naging abala nitong mga nakaraang araw dahil nag simula na rin ang Christmas break. Hindi nga lang ako nakapunta ng Paskuhan dahil wala naman akong kasama. Ayokong mag imbita ng iba.



"There. All done." pinagpagan ko ang balikat ni Ynigo at nakangiting nag angat ng tingin sa kaniya.



"Don't entertain anyone while I'm gone." bulong niya.



Ikinagulat ko ang biglaan niyang pag hila sa aking bewang at idinikit ako sa kaniya. Napahawak tuloy ako sa mga dibdib niya.



"Really, Ynigo? You think I can cheat on you? You give me two damn rings!" ipinakita ko sa kaniya ang daliri ko kung saan nakasuot ang mga singsing. "Wala na akong kawala sa iyo! At mas lalong wala akong balak mag hanap ng iba." ngumisi ako.



"Talagang wala ka ng kawala sa akin because if you do and I caught you cheating on me, I will punish you real hard until you can't scream anymore, Catalina." banta niya, nakangisi.



Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang muli niya iyong ibulong kasabay ang pag haplos sa aking likuran.



"U-Umalis ka na nga!" natataranta ko siyang tinulak dahil napapatingin na sa amin ang ibang tao. "Baka hinahanap ka na nina Tita, sumunod ka na sa kanila. Ang dami mong sinasabi. Baka nga ikaw pa ang mang babae roon dahil alam mong wala ako sa paligid mo." umirap ako kunwari.



"Well, I am interested in anyone else if it's not you."



I mouthed and rolled my eyes in the air before pouting, trying to stop myself from smiling because of his corny banats!



"Whatever! Just leave! Baka mag makaawa pa akong huwag ka na umalis." pagmamaktol ko.



Ynigo chuckled.



"I'll see you in five days." he touched my chin and give me a quick kiss on the lips.



Ngumuso ako nang hilahin na niya ang maleta niya palayo sa akin. And for the last minute, tinitigan ko ulit ang kabuan niya. Nakasampay ang itim niyang jacket sa kaniyang braso habang nakasuot siya ng white polo shirt and black pants. Of course, he's still wearing his specs and his hair was fixed.



"Don't give me that look. You're making me think twice. Mahihirapan akong umalis." tinaasan niya ako ng kilay kaya lalong humaba ang nguso ko.



"Could you guys please let go each other just for days? Nagugutom na kasi ako. Para namang hindi na kayo ulit magkikita kung maka-asta kayong dalawa diyan."



Gulat akong napalingon kay Hestia nang bigla siyang sumulpot sa tabi. Muntik ko ng makalimutan na siya nga pala ang kasama kong mag hatid kay Ynigo sa airport.



Natawa si Ynigo at itinaas ang kamay para kawayan ako. Tinaasan ko na lang rin ang akin at kinawayan siya. Bumagsak ang mga balikat ko nang tumalikod na siya at tuluyang nag lakad palayo hila ang kaniyang maleta.



Tahimik ako nang umalis kami ng airport. Maski nung makapasok kami ni Hestia sa isang restaurant para kumain muna ay matamlay ako.



"Come on, Catalina. It's not like you're not gonna see each other anymore! Limang araw lang kayong hindi magkakasama! Oh my god, love really scared the fuck out of me." umiling ang pinsan ko bago ininom ang orange juice na order niya.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now