30

155 3 0
                                    

Chapter 30: Different paths



"Alistair? Are you done combing your hair? We can't be late on your Tita Ali's wedding!" umupo ako sa dulo ng kama matapos mailigpit ang mga laruang kinalat niya kanina.



I smiled when I saw her went out of her small doll house, wearing his cute green dress. Nakalugay ang buhok niya at nakasuot pa sa kaniyang ulo ang flower headband na sinadya kong gawin para magamit niya mamaya sa kasal ni Ali at Hades.



"Mommy! Do I like cute today?" she asked when she stopped in front of me. Bitbit na niya ang maliit niyang basket na puno ng flower petals.



"Of course, baby! You always look cute and perfect." ngumiti ako.



She giggled as I tapped her nose using my finger.



After preparing each other, sabay kaming lumabas ni Alistair ng condominium.



Ngayong araw na ang pinakahihintay na araw ng lahat para sa kasal ni Alisterille at Hades. Inaabangan talaga ito ng mga tao lalo na ng media.



Nilingon ko si Alistair habang naghihintay kami na bumukas ang elevator. Napangiti ako bago hinawi ang kaniyang buhok. Nag angat siya ng tingin sa akin at nawala pa ang mga mata nang ngitian niya ako.



She really makes my heart at ease. Nawawala ang pagod ko sa tuwing nakikita ko ang anak ko.



I managed to graduate and finish my study after I gave birth to Alistair. Though I was 1 year late than my batch mates.



Hindi naman paligsahan ang pag pasok sa iskwela o pag-aaral na kailangan ng paunahan at talo ang kung sinong mahuhuli sa linya.



It's okay if you stop going to school or be a bit late and prioritize yourself by working. You shouldn't be ashamed of it. You should be proud of it and after that, kapag kaya mo na, pwede kang mag patuloy sa pag laban.



Wala namang pinipiling oras, panahon o edad ang pag-aaral.



I have a daughter, working under my uncle's company and also prioritizing my study, and yet I managed to get my diploma in the end and went back to Manila.



Ang importante na sa akin ngayon ay ang mapagtuunan ng pansin ang anak ko.



"Cat! Oh my god! You're finally here!"



Ngumiti ako nang salubungin ako ni Hestia ng yakap at halik nang makarating ako sa simbahan.



She looks good on her satin dark green long gown with her hair in bun. Para akong nakakita ng gumagalaw na manika habang tinititigan siya. Tulad ko ay may hawak rin siyang wedding bouquet.



"What took you so long? Akala ko hindi ka makakaabot dahil na nanaginip ka pa sa higaan mo!" umirap siya sa kawalan at nilingon si Alistair sa tabi ko. Buhat niya ang isang basket na puno ng flowers petals.



Alisterille and Hades took her as their flower girl.



"Hi, little Ali!" she patted my daughter's head but Alistair just innocently stared at her. Sleepy and not in a good mood.



Natawa ako habang pinapanood ang anak ko. Paano kasi ay bagong gising. Nakatulog siya kanina sa biyahe habang papunta rito.



Sumabay lang ako kina Solana at Achellus rito dahil hindi ako makakapag maneho mag isa lalo na at kasama ko si Alistair. Masyado pa namang makikot ang batang ito.



"What's happening inside? Wala pa ba si Ali?" tanong ko kay Hestia nang mag angat ulit ng tingin sa kaniya.



"Wala pa. May ilang minuto pa naman bago mag simula ang ceremony. Mayamaya nandito na 'yon. Calista texted me na malapit na raw matapos ayusan si Alisterille."

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon