25

154 3 1
                                    

Chapter 25: Stay

Warning: R18



"Ynigo's birthday is getting near. May plano ba kayong dalawa?" tanong ni Sandra habang abala ang nag niningning niyang mga mata sa alahas na kanina niya pa tinitingnan.



We're inside of jewelry store dahil gusto raw bumili ni Sandra ng bagong alahas. We went for shopping at kanina pa kami naglalakad na dalawa. Marami na siyang pinamili kaya ang akala ko ay tapos na siya pero kamalas malasang napadaan kami sa store na ito.



"Hindi ko alam pero napag-usapan na nina Tita Carmina at Tito Leonor na may gaganaping malaking selebrasyon para sa kaniya." sabi ko at nilingon ang simple ngunit magandang silver heart earrings sa aking gilid.



Isasabay rin kasi sa araw na iyon ang ilang announcement tungkol sa kasal naming dalawa na malapit na rin maganap.



Ilang linggo na lang bago ang mahalaga niyang araw. I don't know what to give him. Wala akong ideya kung anong regalo ba ang ibibigay ko sa kaniya dahil parang lahat ng naiisip kong bilihin ay meron na siya.



May oras pa naman ako para makapag isip.



It's been months after Acheron and his band's graduation. Hindi na nga kami nakapunta dahil may enrollment rin kami rito noong araw na iyon.



Gladly, I successfully completed my second year in college pero mas naboble ang pagiging abala namin ngayon sa 3rd year. Mas maraming ipinapagawang requirements sa amin.



Kaya nga niyaya ko ngayong lumabas si Sandra para naman makalma ko ang utak at sistema ko.



Sabado ngayon kaya wala si Ynigo sa bahay. Umuwi siya kaninang umaga sa kanila dahil may aasikasuhin lang raw siya kasama si Tito Leonor kaya hindi na ako sumama pa. Baka nga importante iyon at ayoko namang makaabala sa kaniya.



Ilang saglit na lang ay ikakasal na kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong maramdaman ko. Masaya ako at kinakabahan.



"What do you think should I give him for his birthday?" taas kilay na nilingon ko ulit ang pinsan ko pero napangiwi na lang ako dahil kinakausap na pala niya ang saleslady.



"Sorry! What is it again?" nakangiti niya akong nilingon matapos maiabot ang black card niya doon sa babae.



"That's a lot of money, Sandra." pinag-ekis ko ang mga braso ko sa ilalim ng aking dibdib.



"Oh, there you are again. Acting like my mom!" natawa siya at umirap kunwari. "You know, I like spoiling myself." she winked at me.



Umiling ako at pinanood siyang kuhain ang pinamili niya. Bago niya pa maubos ang tindang mga alahas sa loob ay hinila at niyaya ko na siya palabas.



Dahil nakakaramdam na ako ng gutom ay niyaya ko muna siya sa Italian restaurant dahil iyon ang una naming nadaanan. Hindi ko na kaya pang mag-ikot para maghanap ng ibang restaurant na makakainan kaya dito na lang.



"Wala akong maisip kung ano ang magandang iregalo kay Ynigo." aniya nang makaupo sa aming pwesto.



Ngumuso ako at dinampot ang ni request kong tubig sa waiter kanina.



"What about, you give him birthday sex or a box full of condoms with assorted flavors?"



I choked on my drink and ended up coughing like I'm fighting for my life to survive or something!



Iritado akong nag angat ng tingin kay Sandra na inosenteng nakatingin lang sa akin ngayon.



"What?" she blinked.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now