03

159 3 0
                                    

Chapter 03: Disappoint


"I can't believe I will start living with him on the same roof starting tomorrow!" reklamo ko sabay bato ng unang puti sa sahig.



Si Hestia ay nakaupo lang sa harapan ko habang pinapakinggan ang mga hinain ko sa buhay. I'm on her condominium again dahil bukas na ako mag sisimulang mag lipat ng mga gamit sa bahay na binili ng mga magulang namin.



After the dinner night, I haven't see Ynigo again. Posibleng bukas ko pa ulit siya makita dahil bukas na bukas rin ay titira na kami sa iisang bahay. Na hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon.



Hindi ako makapaniwala!



"I am aware at alam kong darating kami sa ganoong sitwasyon pero hindi ko naman inaasahan na ganito kaaga! Ni hindi pa nga kami naikakasal na dalawa gusto na nila agad kami magsama sa iisang bubong?" umirap ako.



"He's hot, though. At least hindi ka mauurat sa bahay na 'yon kahit magdamag ka pang manatili roon." nag ngising aso ang pinsan ko.



"I don't care, Hestia! Yes, he's hot! Hindi ko naman iyon itatanggi pero masasagot ba ng kagwapuhan niya ang problema ko, ah? Tangina, hindi!!" lalong kumulo ang dugo ko.



Natawa siya. "What's your plan now, then? you'll start living with him tomorrow."



"Edi, mag panggap na ayos lang ang lahat. Doon naman ako magaling. Besides, we have plans. I don't have to wear my ring every time kaya I will still go on clubbing, enjoy my life and I'm allowed to date, anyone. Anyone, Hestia. Well, he's allowed to date every girl he wants as well. I don't mind as long as he's not questioning my life."



We're just pretending lang naman kaya ayos lang sa akin na gawin niya kung anong gusto niya. Huwag niya lang akong guguluhin at susubukang pigilan sa mga gusto ko ring gawin sa buhay dahil talagang magkakaroon kami ng malaking away.



"Marriage is really stressful, huh? I can't see myself in that situation. I'd rather die than marry a man I didn't know." umiling ang pinsan ko.



As if I have a choice here to refuse and disobey my parents.



Napahawak ako sa kwintas na suot ko. Isinabit ko roon ang engagement ring ko para hindi mawala. Para na rin hindi makita ng mga tao. I'm not ready to tell them about the marriage. I can't even tell them that I'm engaged now.



Matapos kong makapag labas ng sama ng loob kay Hestia ay nag paalam na ako sa kaniya at umalis. Kailangan ko pang makipagkita kay Ambrose. Sinabi ko sa kaniyang isama niya si Lewis at Sandra dahil sasabihin ko na sa kanila ang tungkol sa engagement.



I was so nervous habang hinihintay ko sila sa isang coffee shop. I already ordered my drink at naubos ko na agad iyon para malibang ang sarili pero kabado pa rin ako.



Nang marinig ko ang tunog ng bell at pag bukas ng pintuan ng coffee shop ay napaangat ako doon ng tingin. Natanaw ko si Sandra na unang pumasok kasunod si Lewis. Sa hulian ay si Ambrose na agad nahanap ang mga mata ko.



Itinuro niya ako doon sa dalawa kaya nakita na ako ng mga kaibigan ko.



"Cat!" as usual, Sandra's so energetic.




Tumayo ako at nakangiting yumakap at humalik sa pisngi niya bilang pagbati. Ganoon rin kay Lewis bago ko isinunod si Ambrose.



"Lods! Anong meeting agenda natin ngayon at bakit gusto mo kaming makita?" si Lewis nang makaupo.



Hindi ako sumagot agad at inayos pa muna ang pagkakaupo sa aking pwesto. Nilingon ko si Ambrose. Nag tama ang paningin naming dalawa.



I let out a heavy sigh when he nodded at me, telling me that I can do this. Nag angat ulit ako ng tingin sa dalawa na hanggang ngayon ay nakatitig sa akin, naghihintay ng sagot.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now