14

129 3 1
                                    

Chapter 14: Avoid



Hindi ko magawang makatulog sa biyahe dahil pakiramdam ko ay ang bigat ng presensya niya para sa akin. Kaya simula kanina ay mulat na mulat ang mga mata ko.



Inabala ko lang ang telepono ko kausap sina Ambrose. Easton never call or text me anymore.



Nag dulot ng kirot sa puso ko ang naging huling usapan namin noong gabing iyon pero wala akong magawa kundi ang pumili. Ang mag desisyon. 



Hapon na nang makarating kami sa Batangas dahil sa buhol-buhol na mga sasakyan kanina sa kalsada.



Kasunod ng sasakyan nina Hestia ay pumasok kami sa malaking gate ng Hacienda Silvero. Ang mga taong nag tatrabaho sa paligid ay nahinto sandali at hinarap kami para yumuko at bumati.



Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba dahil ito ang unang beses na maipapakilala ko si Ynigo sa kanila.



Umayos ako ng upo nang matanaw ko na ang mga pinsan ko sa labas ng mansyon.



"We're here." sabi ko kay Ynigo nang maihinto niya ang sasakyan.



Nagkatinginan kaming dalawa. Tumango pa ako sa kaniya at ngumiti bago ako naunang bumaba ng sasakyan.



Sinalubong ng mga pinsan ko ang magkakapatid bago nila ako isinunod. Wala roon si Alisterille at nang mag tanong ako ay pauwi pa lang raw siya kaya nauna na kaming pumasok sa loob.



"Imelda, prepare the table, please?" pinalakpak ni Lola Amelia ang mga kamay niya ng dalawang beses at sa isang senyas lang ay nagsikilos agad ang mga katulong na nasa paligid.



"You must be Ynigo Suarez?" nilingon ni Tita Alyana si Ynigo sa tabi ko.



"Yes, ma'am," he answered politely before shaking my Auntie's hand.



"Welcome to Hacienda Silvero." Tita Alyana smiled at him. Bahagya rin akong ngumiti habang pinapanood silang dalawa.



Nawala lang ang ngiting iyon sa labi ko nang mahagip ng mga mata ko si Leon. Agad ko siyang siniko nang mapansin ang panlilisik ng mga mata niyang nakatuon kay Ynigo na parang ang laki ng kasalanan nito sa kaniya. Ganoon rin si Acheron habang si Calista sa tabi niya ay nakangisi at tinititigan ang lalaki sa aking tabi.



What the heck is wrong with them?



"Uh, everyone, this is Ynigo. My fiance." pakilala ko para mawala ang bigat na nararamdaman ko sa paligid.



Nakipagkamay sa kaniya si Kuya Eros. Ganoon rin si Leon at Acheron pero parang labag pa sa loob nilang dalawa. Nilingon ko si Ynigo at binigyan siya ng paumanhing ngiti.



Naroon rin ang isang kabanda ni Acheron pero ang isa nilang gitarista ay wala. Pati si Solana ay hindi ko makita sa paligid.



"Ali!"



Nawala ang atensyon ko sa kanila nang marinig ko ang pag tili ni Hestia. Tumaas ang kilay ko, tinatanaw ang bagong dating na si Alisterille at Hades na magkahawak pa ang mga kamay.



"What the heck happened while I was gone? Bakit magkahawak ang kamay nilang dalawa?" nakangiwi kong tanong sa mga kapatid niya.



Kahit nagtataka ay nagawa ko pa rin siyang lapitan at batiin. Ganoon rin si Hades na nginitian ko lang nang magkasalubong ang mga mata namin.



I was so surprised when Alisterille told us that she's in a relationship with Hades now. I mean, masaya ako para sa kanilang dalawa at hindi naman talaga dapat kagulat gulat iyon dahil halata naman na gustong gusto ni Hades ang pinsan ko. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagbigay ni Alisterille.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Onde histórias criam vida. Descubra agora