24

141 3 1
                                    

Chapter 24: Plan



Right after celebrating Christmas Eve, tumawag ulit si Ynigo at bumati sa mga pamilya ko. Nagkatuwan pa nga sila dahil kasama niya rin si Hades.



Mas naging masaya pa ang selebrasyon namin dahil bumili ng mga pailaw sa langit ang mga pinsan kong lalaki. Mas napaaga tuloy ang bagong taon.



Ang sabi ni Alisterille ay sa New Year's eve raw ay may concert ang Banda ni Hades at Acheron sa Moa Arena kaya niyaya ko rin si Ynigo na sumama sa amin. I want to watch them perform together!



Naupo ako sa sofa at pinapanood si Valerian at Rajiah sa harapan. Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa kanila.



Rajiah is wearing a Santa hat with his sleeping pajamas. Nag palit rin agad ako ng damit pagtapos ng napakahabang family photo shoot namin kanina. Sinadya pa ni Lola Amelia na kumuha ng mga kilala niyang photographer para lang doon.



"Merry Christmas, brother. Here's my gift for you." nakangising tinapik ni Rajiah ang balikat ng kapatid niya.



Tumaas ang kilay ko nang hawakan ni Rajiah ang suot niyang jacket at may kinuhang kung ano sa loob nito pero nang ilabas niya ulit ang kamay niya ay itinapat niya iyon kay Valerian, he then raised his middle finger and laughed like insane.



Natawa rin tuloy ako dahil sa kagaguhan niya. Napuno ang sala ng tawanan nang batukan ni Valerian si Rajiah.



"Jeez, he's doing it every Christmas. I can't believe Valerian fell for the same prank again." ngumiwi si Hestia sa aking tabi at uminom ng wine na nasa kaniyang baso.



Ngumisi ako.



Pagtapos rin ng katuwaan ay dumiretso ulit kami sa kwarto ni Alisterille para mag inom dahil sa pagkakataong ito ay alam na ni Lola at ng mga magulang namin. Ayoko rin mag paiwan sa sala dahil pinag-uusapan na naman nila ang tungkol sa engagement naming dalaw ni Ynigo.



Kapag nag paiwan lang ako roon ay papaulanan lang nila ako ng tanong. Which I want to avoid.



Excited akong bumalik ng Manila nang matapos ang pasko dahil diretso kong susunduin si Ynigo kasama ang mga pinsan ko. Tahimik na si Alisterille dahil naunang umuwi si Hades kahapon.



Hindi ako mapakali habang naghihintay sa loob ng sasakyan dahil sobrang namiss ko siya kahit ilang araw lang kaming nakahiwalay.



He didn't know I'm here to pick him up because I want to surprise him.



Of course! Hindi pa naman tapos ang selebrasyon kaya bumili rin ako ng pang regalo para sa kaniya.



I bought him new sets of books and also balloons too! Extra lang iyong mga lobo. I find them cute kaya binili ko na rin para ibigay sa kaniya.



"Wala pa ba siya? Nagugutom na ko." reklamo ni Rajiah at tamad na sumandal sa kinauupuan niya.



"There he is."



Nag ningning ang mga mata ko at sumilip sa bintana nang marinig ang sinabi ni Valerian. Nag reklamo pa si Hestia dahil bahagya kong nahila buhok niya.




Ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala nang makitang huminto si Ynigo sa pag lalakad kasunod ang mga magulang niya matapos siyang salubungin ng isang babae galing sa loob ng Van na nasa harapan lang din namin kanina pa.



Kumunot ang noo ko nang tumalon siya at niyapos ng yakap si Ynigo. Nakangiti naman si Tito habang pinapanood silang dalawa pero si Tita Carmina ay halatang napipilitan lang.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now