15

146 3 2
                                    

Chapter 15: Chase

"Congratulations!" itinaas namin ang mga baso naming may lamang alak at sabay-sabay iyong ininom.

Loud music and loud noise of people on the dance floor filled my ears. Ang bar lights ay masakit sa mata pero nagagawa ko pa rin namamg makakita.

We went to a celebration when Calista and Solana's team won pero maski roon ay iniiwasan kong kausapin si Ynigo but I make sure he feels welcome on my family.

Kinakausap rin naman siya ng mga pinsan ko kaya hindi pa rin halata na iniiwasan ko siya.

Nahihirapan akong gumalaw lalo na at maraming nanonood sa aming dalawa.

I want to enjoy this night and I want to avoid everything just for tonight.

Kanina pa kami umiinom rito at umeepekto na sa akin ang alak pero kontrolado ko pa naman ang katawan ko.

Tumayo ako at nag pahila sa mga pinsan kong babae patungo sa dance floor. Tulad ko ay mga lasing na rin sila.

Ininom ko ang bagong shot na inabot sa akin ng kung sinong lalaki sa dance floor at pagkatapos ay nag simula na akong makipag sayawan sa kanila habang nagtatawanan.

Ngumisi ako nang mapansin ang isang lalaki na tingin ko ay ka edaran ko lang. Kanina ko pa siya nakikitang nakatitig sa akin habang umiinom ng alak at nakikipag kwentuhan sa mga kasama niya.


I didn't stop and just continue moving my body in a seductive and sexy way, letting the music control my whole being.

"Damn! That's my cousin right there!" proud na itinuro ako ni Alisterille at Solana kaya lalo akong natawa.


Tumaas lang ang kilay ko nang sabay silang matigil na dalawa habang ang mga mata nila ay tumagos sa likuran ko. Si Hestia na abala sa iniinom niyang cocktail ay nabuga pa habang nanlalaki ang mga mata. May itinuro siya sa likuran ko kaya naman tumigil ako sa pag sayaw at nilingon ang likuran ko para makita kung ano ba ang meron doon.

Ang alak sa sistema ko ay tila nawala nang makita si Ynigo sa harapan ko. Ang kamay niya ay mabilis na pumulupot sa aking bewang at tiyan. Kinilabutan ako nang yumuko siya para maabot ang tenga ko.

"That's enough dancing for tonight. Let's go back to our table." bulong niya.

May kung anong kiliti ang naramdaman ko sa aking tiyan matapos maramdaman ang init ng hininga niya sa aking tenga at leeg.

"I-I'm not done dancing yet!" tinulak ko siya palayo sa akin pero sa isang hila niya lang ay muli akong nadikit sa kaniya.

"Were you planning to attract their attention using your sexy moves, huh?" mariin niyang tanong.


"Were you mad?" mas mariin kong tanong, nakakunot ang noo.

"Yes, I am mad so don't try my patience."

Nanghina ang mga tuhod ko nang haplusin niya ang tiyan ko. Para lang hindi bumagsak ay kinailangan ko pang humawak sa braso niya para manghingi ng suporta.

Kunwari akong naubo at umayos ng tayo.

"F-Fine!" I give in.

Ngumuso na lang ako nang hilahin niya ako pabalik sa aming lamesa. Muling bumalik ang alak sa sistema ko kaya nahihilo ako nang makaupo ako sa pwesto ko kanina.

Kukuha na sana ako ng isang shot ng alak pero natigil nang tampalin ni Ynigo ang kamay ko. Inis ko siyang tiningnan.



"Pasalamat siya at nahihilo ako kaya hindi ko siya magawang awayin." iritado kong bulong.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon