32

176 5 0
                                    

Chapter 32: Annoyed



Tulala ako buong araw matapos ang meeting na iyon sa opisina ni Ynigo. Nasabi ko na kay Hestia ang nangayri at gusto niya pa sanang ako ulit ang mag sara ng deal pero tumanggi na ako.



Ayoko nang bumalik pa sa lugar na iyon kahit kailan.



Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ako at tila wala sa sarili. Para tuloy akong nautangan ng 200 Billion na hindi nagawang bayaran dahil tinakasan at pinagtaguan.



"Mommy, look!"



Nilingon ko si Alistair nang ipinakita niya sa akin ang cupcake na nilagyan niya ng disenyo.



It's just a cupcake with pink icing on top. Full of colorful sprinkles at may nakatusok na flag kung saan nakasulat ang word na "Mommy"



"I made this for you, mommy!"



Ang pisngi niya ay maryoon ng pink icing. Pati ang ilong ay mayroon at ang suot niyang apron ay marumi na dahil sa flours at chocolates.



Ngumiti ako.



"Do you like it, mommy?" ngumiti rin siya sa akin nang tanggapin ko ang cupcake na ginagawa niya pala para sa akin.



"Yes, of course! I like it very much! Thank you."



Natawa ako at pinagdikit ang aming mga noo para mag tama ang nagtatangusan naming mga ilong. And then I kissed her on the lips.



"Yey! Mommy likes my cupcake!" she jumped out of excitement. 



Kinabahan pa ako dahil nakapatong pa naman siya sa upuan para maabot ang counter kaya inalalayan ko siya.



Today is my day off so I decided to make cupcakes with Alistair. Ganito ang ginagawa namin sa tuwing wala akong pasok. She also likes baking. Tingin ko ay nagaya niya sa akin.



After the deal with Ynigo, Hestia successfully bought his property. Inaasikaso na rin nila iyon. Si Solana at Achellus pa nga ang kinuhang architect at engineer para mag disenyo kaya uuwi sila rito para simulan ang project.



Kinuhaan ko ng litrato ang ginawa niyang cupcake para sa akin. I also take a picture of us and the I posted it on my Instagram and story.



Natawa pa ako nang mabasa ko ang mga comment galing sa mga pinsan at kaibigan ko.



Hestiasilvero
: Aw! Mother and daughter's bond! I wish I was there! I wanna join you guys T.T


Alialjuarez
: Cuties! I can't wait to make cupcakes with my child in the future!


Calistasilvero
: Omg. I'll teach Archer how to bake so we could make some cookies lol.


Solanasilvero
: May anak kayo?


Calistasilvero
replied to Solanasilvero: @Achellussolarez Hala ka boss, nag paparinig, oh!



Natawa ako sa mga nabasa at napailing. Alistair called my attention again kaya ibinaba ko na ang telepono ko at ipinagtaputuloy ang ginagawa. Pagkatapos namin ay kami ring dalawa ang kumain ng mga finish products.



She likes sweet so much. Ayoko namang masira ang ngipin niya kaya nililimitahan ko ang pagbibigay ng matamis na pagkain sa kaniya.



Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang pag tunog ng doorbell. Kumunot pa ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw.



"Stay here." pinaupo ko muna si Alistair sa upuan.



She's busy eating the cupcake she made for herself kaya hinubad ko na ang apron ko. Ipinatong ko iyon sa sink at inayos pa muna ang sarili bago tuluyang lumapit sa may pintuan.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now