19

133 2 0
                                    

Chapter 19: Believe



"What!? You are now in a relationship with Ynigo? As in for real?" nabuga ni Hestia ang iniinom niyang tubig nang aminin ko sa kaniya ang lahat.



Natawa ako at tumango sa kaniya. Napakurap siya at napatitig sa akin, mukhang pilit pang pinoproseso sa kaniyang utak ang nalaman.



Kakatapos lang ng finals namin at ilang linggo na rin ang nakakalipas pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin kay Hestia ang lahat. Sandra finds it out kaya mas nauna kong inamin sa kanila.



Para kasi siyang kamag anak ni Detective Conan kung makapag imbistiga kaya wala akong naging takas sa mga hinala niya. They'll find it soon anyway.



Biyernes ngayon at kahapon lang natapos ang huling araw para sa finals namin kaya nandito ako sa condo ni Hestia para makapag pahinga.



Kakaalis lang rin ni Ynigo kanina para sa isang business trip kasama si Tito Leonor at Tita Carmina sa Tagaytay. Tatlong araw raw silang mananatili roon kaya baka sa lunes pa ng gabi ang uwi niya.



Uuwi naman ako bukas kasama ang mga pinsan ko sa Batangas dahil Undas na kaya dito na rin ako nag palipas ng araw sa condominium ni Hestia para sabay na kaming aalis bukas ng umaga. Susunod na lang raw ang mga magulang namin sa tanghali.



"Oh my god... since when?" dahan-dahan siyang naupo ulit sa harapan ko para mang usisa.



"About three weeks?" napaisip ako dahil maski ako ay hindi rin sigurado.



"Three weeks... so you guys are kissing now? Uh, cuddle when you sleep-- Ah! Are you sleeping in one bed room now?" umangat ang gilid ng labi niya nang makabawi.



"Of course, kissing is normal for couples. We're sleeping in the same bed too pero minsan, sa sariling kwarto pa rin namin." paliwanag ko at sinubo ang ubas na kanina ko pa kinakain.



"Holy shit. I didn't expect you will ended up falling for him... I mean, parang nitong nakaraan lang ay minumura mura mo siya sa harapan ko at sinusumpa na hindi ko siya kagugustuhan kahit anong mangyari?" ngumiwi siya.



Natawa ako dahil totoo naman iyon. Aaminin ko, nilunok ko ang mga sinabi ko noon.



He's so gentle and respectful but scary whenever he's mad and jealous. Ayoko rin na nag-aaway at nagkakasagutan kaming dalawa because the last time I argued with him, I cannot walk the next day.



Napababa ang tingin ko sa aking telepono nang tumunog ito. Nang makita ang pangalan ni Ynigo sa screen ay agad ko iyong kinuha at binuksan para mabasa ang text niya.



Ynigo:
We're here. We're staying in a hotel.



Ynigo:
How are you?



I smiled before typing a reply.



Catalina:
I'm fine here but I miss you already :(



Ynigo:
Do you want me to call you so we can talk?



I bit my lower lip to stop myself from smiling like an idiot, pinipigilan ang kilig dahil pinapanood ako ng pinsan ko pero mukhang nabigo pa rin ako.



"Really, Cat? We're having fun here, oh? Nag text lang 'yang lalaki mo, nakalimutan mo na ang existence ko?" ngumisi siya.



Tinawanan ko na lang siya at humingi ng sandaling oras para makapag reply kay Ynigo.



Catalina:
Hindi na! Mag pahinag ka na muna. Just call me when you have free time.



Catalina:
I love you!

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin