08

135 4 3
                                    

Chapter 08: Puppet


Tulala ako sa biyahe pabalik sa Hacienda Silvero. Wala ako sa sarili habang iniisip ang mensaheng natanggap ko kanina na hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasagot.



I don't know how and what to reply! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko!



I mean... we're just talking about him last night and right after waking up, I received a text from him!



I don't know why and what his reason is pero ang sabi niya ay uuwi siya ng Pilipinas. Hindi ko alam kung kailan but it can be now or tomorrow or maybe next day, week or month!



"Hello, Earth to Catalina!"



Gulat akong nabalik sa katinuan nang maramdaman ko ang pag pitik ni Hestia sa aking noo. Napahawak tuloy ako roon at ininda ang sakit. Kinunutan ko siya ng noo.



"Are you still with us or your mind is in outer space again?" pinamaywangan niya ako. "Are you even listening, huh? I feel like I'm just talking to myself!"



Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Napakurap ako nang mapagtantong nasa loob na pala kami ng Hacienda Silvero. Sa sobrang lutang ng isip ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng mansyon.



"Oh, see? Now you're ignoring me! What's wrong with you at parang wala ka sa sarili?"



Napalingon ulit ako sa pinsan ko na ngayon ay halatang iritado na sa akin. Hindi ko siya sinagot at hinayaan munang makapasok ang iba pa naming pinsan sa loob ng mansyon. Nang kaming dalawa na lang ang maiwan sa labas ay hinawakan ko ang palapulsunan ni Hestia at hinila siya patungo sa hardin. Dinala ko siya sa Gazebo na naroon.



"Why are we here? Nagugutom na ako--"



"He's coming back." I cut her off.



"Huh? Who? Iron man? Captain America or He-Who-Must-Not-Be-Named?" she asked, innocently.



Umirap ako. She's watching Marvel Movies and Harry Potter too much.



"Easton! I received a text from him earlier and he said... h-he's coming back." paliwanag ko.



Nanlaki ang mga mata niya nang sa wakas ay maintindihan na ang mga sinabi ko.



"Oh my god! Easton? As in East? Your ex!?" napatakip siya sa kaniyang bibig.



Tumango ako at napaupo na lang sa upuang nasa likuran ko. Gumaya rin siya.



"No way. He's now living outside the country with his family, right? Bakit raw siya babalik? For what reason?" pag-uusisa niya.



"I don't know, Hestia. I really don't know. Wala naman siyang ibang sinabi maliban sa babalik na siya ng Pilipinas." wala sa sarili kong sagot.



"What now, then? Anong gagawin mo? you're engaged now with Ynigo. Sasabihin mo ba kay East ang tungkol doon?"



Hindi ako nakasagot sa kaniyang tanong. I haven't see Easton for years. After the break up, pati ang connection ko sa kaniya ay naputol na. Ni hindi ko na nga alam kung anong balita sa kaniya at kung anong nangyayari sa kaniya.



Umalis siya nang walang paliwanag at ngayon ay babalik siya na parang wala lang.



Wala akong naisagot kay Hestia. Para mawala ang isiping iyon ay niyaya ko na lang siyang pumasok na sa loob ng mansyon.



Hindi pala nakabalik si Solana kagabi at ang sabi sa akin ay umuwi raw ito ng kanilang mansyon kaya wala siya rito ngayon. Hindi tuloy kami kumpleto.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now