16

151 4 2
                                    

Chapter 16: Back



"Good work, everyone!" ngumiti ako at nakipag apir sa mga group mate ko nang matapos ang meeting namin para sa project proposal namin sa lunes.



Hinintay ko pa sila isa-isang makaalis ng gazebo bago ko sinimulang iligpit ang mga gamit ko. Hindi pa ako natatapos ay natanaw ko na ang papalapit na si Hestia sa gawi ko. Kumakain siya ng fishball na nakalagay sa plastic cup at bitbit ng isa niyang kamay ang case niya na naglalaman ng school laptop.



Kahit nakamessy bun at simple lang ang makeup niya ay marami pa ring lalaki ang napapalingon sa kaniya. Ngumusi ako nang kawayan siya ng isang nursing student na nakasalubong niya. Umiling ako nang kawayan niya rin iyon kahit na hindi naman niya kilala.



Maraming nanliligaw kay Hestia simula highschool pa lang kami kaya ang mga pagkain na galing sa mga manliligaw niya ay kami rin minsan ang kumakain. Sa sobrang dami ay hindi na nga niya iyon maiuwi lahat at makain mag-isa.



Hestia is chased by many men, mapa Thomasian man, Atenean, LaSallian o galing sa iba't ibang university.



Well, Tita Ino is a former Miss Universe kaya hindi kagulat gulat na maganda rin si Hestia at may katangkaran. Kung hindi nga lang sa pag nenegosyo ay gusto niyang pasukin ang pag momodelo.



"Hi, Catty!" humalik siya sa aking pisngi bago inilapag ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa.



"Where's Rajiah and Valerian?" tanong ko at sinilip ang dinaanan niya pero wala roon ang mga kapatid niya.



"Who cares? Hayaan mo ang dalawang mokong na iyon. Malamang ay tumatambay na naman sila sa gym para panoorin yung mga cheerleaders na nag pa-practice." umirap siya sa kawalan kaya natawa ako.



Hindi nakapasok si Sandra kanina dahil may hangover pa. Paano kasi ay may family reunion sila kahapon at naarami siya ng inom kasama ang mga pinsan niya. Si Lewis ay nag paalam na sa akin kanina dahil dadalahan niya raw ng gamot si Sandra sa condominium niya.



Hindi ko alam kung nasaan si Ambrose dahil simula kaninang umaga ay hindi ko pa siya nakikita.



"Are you free tonight? Wala namang pasok bukas. Samahan mo ako! Papainit lang mamayang gabi." binigyan niya ako nang makahulugang tingin kaya ngumisi ako.



Dahil kailangan ko rin libangin ang sarili ko ay pumayag ako sa gusto niya. Dahil kaming dalawa lang naman ang nasa condominium ay naging madali sa amin ba tumakas kinagabihan para lang mag punta sa Xylo BGC at mag pakalulong sa alak.



Gabi na kaya marami ng tao sa loob ng Xylo nang makapasok kami. Maingay dahil sa lakas ng musika na sinasabayan pa ng mga tao.



I was wearing a black long sleeve fitted dress. Pa v-neck at backless ito kaya kitang-kita ang cleavage at likuran ko. Suot ko rin ang black knee-length boots ko na bumagay lang sa damit ko at buhok kong nakalugay lang.



Si Hestia naman ay nakasuot rin long sleeve fitted dress na itim ngunit puno ng glitters ang damit niya kaya kaagaw-agaw pansin ang pag kinang niya kapag natatapatan ng ilaw.



Walang alinlangan na lumapit kami sa VIP table dahil may reservation na pala si Hestia kanina pa.



"I will drowned myself in alcohol tonight so if I blocked out, don't call my brothers." nakangiwing sabi ni Hestia bago sinimulang inumin ang alak na kakasalin lang sa kaniyang baso.



Natawa ako at nag simula na ring uminom.



Kahit dalawa lang kami ay nagawa pa rin naming mag tawanan. We're talking about some bullshit.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora