Prologue

460 6 5
                                    

Prologue



"Cat! Oh my god! You're finally here!"



Ngumiti ako nang salubungin ako ni Hestia ng yakap at halik nang makarating ako sa simbahan.



She looks good on her satin dark green long gown with her hair in bun. Para akong nakakita ng gumagalaw na manika habang tinititigan siya. Tulad ko ay may hawak rin siyang wedding bouquet.



"What took you so long? Akala ko hindi ka makakaabot dahil na nanaginip ka pa sa higaan mo!" umirap siya sa kawalan at nilingon si Alistair sa tabi ko. Buhat niya ang isang basket na puno ng flowers petals.



Alisterille and Hades took her as their flower girl.



"Hi, little Ali!" she patted my daughter's head but Alistair just innocently stared at her. Sleepy and not in a good mood.



Natawa ako habang pinapanood ang anak ko. Paano kasi ay bagong gising. Nakatulog siya kanina sa biyahe habang papunta rito.



Sumabay lang ako kina Solana at Achellus rito dahil hindi ako makakapag maneho mag isa lalo na at kasama ko si Alistair. Masyado pa namang makikot ang batang ito.



"What's happening inside? Wala pa ba si Ali?" tanong ko kay Hestia nang mag angat ulit ng tingin sa kaniya.



"Wala pa. May ilang minuto pa naman bago mag simula ang ceremony. Mayamaya nandito na 'yon. Calista texted me na malapit na raw matapos ayusan si Alisterille."



"How about Hades?"



"He's already inside. Naatat na makita si Ali. Hindi pa nga sila naikakasal ay umiiyak na." humalakhak si Hestia kaya natawa na rin ako.



Umiling ako. Patay na patay talaga ang lalaking iyon sa pinsan ko. But Alisterille is so lucky to have a man like him in her life.



Tulad ng mga pinsan ko, saksi rin ako kung paano sila nag simula at masaya ako na masasaksihan ko rin ang kasal nilang dalawa. Magsasama na habang buhay at bubuo ng pamilya nang mag kasama.



Na kay Hades na ang lahat ng hinahanap ng mga babae sa isang lalaki. Their firstborn will be the luckiest Silvero-Aljuarez.



Iginala ko ang paningin sa buong simbahan. Sobrang ganda at halatang pinaghandaan ang kasal dahil sa mga desensyong sinadyang ipalagay sa paligid. Pagkatapos ng kasal ay naghihintay ang Hacienda Silvero para patuluyin ang mga bisitang imbitado.



Sa susunod na linggo rin ay ikakasal ulit silang dalawa dahil gusto ni Alisterille ng beach wedding kaya gaganapin naman iyon sa Casa Al Juaréz pero kaming magpapamilya na lang ang imbitado pati na rin ang ilang mga kaibigan.



Pinaghandaan talaga ni Hades ang pinakamahalagang araw na ito lalo na't ngayon ay buntis si Ali. Mas naatat siyang pakasalan ang pinsan ko. Calista gave birth to their first born son five months ago kaya doble ang selebrasyon namin noong na engaged pa si Solana at Achellus.



May mga media sa paligid kaya panay ang flash ng mga camera. Hindi ko sila pinapansin at hinahayaan lang na gawin ang trabaho nila.



Of course, the media will be here. Minsan na naging artista, model at soloist singer si Hades kaya inaabangan ng lahat ang kasal nila ni Alisterille. Mag iisang linggo na nga yatang mainit ang pangalan nila dahil sila ang laman ng internet at mga balita maski sa radyo o TV.



Minsan ko pang nakita ang picture ni Alisterille sa billboard dahil nagkaroon rin siya ng interview sa malaking news agency sa Pilipinas na minsan na ring nag interview kay Hades noong nag tatrabaho pa siya kasama si Raya Angeles.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora