33

167 4 0
                                    

Chapter 33: Completely



I closed my eyes and let the cold wind embrace me. It feels like it's comforting me.



Nang muling umihip ang malamig na hangin ay binuksan ko ang mga mata ko at tumingala, pinanood ang bilog at maliwanag na buwan sa gitna ng pang-gabing kalangitan.



It's already two in the morning but I couldn't sleep at all. Abala ang utak ko sa mga bagay na bumabagabag sa akin ngayong gabi.



Kanina pa nakarating sina Sandra at Ambrose but they got separated rooms. Hindi ko rin sila nakausap nang matagal at mukhang pati sila ay gulat nung makita nila si Ynigo at ang fiance niya sa baba.



Maski sila ay hindi alam na imbitado ang mga iyon rito ngayong gabi at sa gaganaping party bukas. Doon lang na kwento sa akin ni Chandler na malapit na kaibigan pala ni France si Trina simula highschool pa lang.



Huminga ako ng malalim at niyakap ang sarili.



Hestia is not calling. Malamang ay malalim na ang tulog ni Alistair.



Magkasama kami ni Chandler sa iisang kwarto. Dalawa naman ang kama kaya hindi pa rin kami magkatabing dalawa sa pagtulog. Ayos lang rin naman sa akin kesa naman mag adjust pa siya at kumuha ng separate room para lang sa akin. Wala namang problema kung magkakasama kami ng ilang gabi sa iisang kwarto.



Kanina pa siya natutulog habang ako ay mulat na mulat pa rin ang mga mata kaya naisipan kong lumabas ng balkonahe.



Bumuntong hininga ako at pumasok pabalik sa loob. Dim na lang ang ilaw at sobrang tahimik na ng paligid nang makalabas ako ng kwarto. Paniguradong tulog na silang lahat.



Tahimik akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina para sana kumuha ng maiinom pero halos pagsisihan ko ang naging desisyon ko nang makita roon si Ynigo.



He's leaning on the counter, smoking a cigarette with a serious expression plastered on his face. Nakakunot ang noo habang nakatitig sa salamin na para bang napakalalim ng iniisip.



He's only wearing a white hoodie jacket and sweat shorts. Ang isa niyang kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang jacket.



Aalis na sana ako pero nang makita niya ako ay tuluyang nanghina ang mga tuhod ko.



He looked at me from head to toe. Halos manliit ako sa ginawa niya dahil pakiramdam ko tuloy ay nakahubad ako sa kaniyang harapan!



When he saw me cough after inhaling the smoke from his cigarettes, pinatay niya ang sindi nito at itinapon sa ashtray na nakapatong sa gilid ng counter.



He's back from smoking, huh? He said it himself it's bad for his body pero binalikan niya pa rin ang gawain niya.



Sandali niya akong tinapunan ng tingin bago umayos ng tayo. Parang dinurog nang pino ang puso ko nang maglakad siya at nilagpasan ako na parang hangin lang ang presensya ko sa kaniya.



Ngumiwi ako.



Right. Ano pa ba nga ba ang aasahan ko? Batiin niya ako pagtapos nung mangyari sa aming dalawa noon? Makipag kumustahan sa akin pagkatapos kong sabihin sa kaniya noon na nabuntis ako ng ibang lalaki kahit na ang totoo ay siya ang tatay ng batang dinadala ko noon sa sinapupunan ko?



Lumunok ako at dumiretso sa refrigerator na naroon. Nanginginig ang kamay na kumuha ako ng isang bote ng tubig tsaka ko nilisan ang kusina.



Dahil hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, dumiretso ako sa labas ng Villa. Lumapit ako sa dalampasigan at pinagmasdan ang kalmadong alon ng dagat.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon