35

178 3 0
                                    

Chapter 35: Untold



Dahil sa nangyaring halikan namin ni Ynigo ay hindi na ako ulit pa dinalaw ng antok hanggang sa mabalot na ng liwanag ang buong kalangitan.



I let him sleep on the bed habang ako ay tulala sa kawalan dahil sa mga iniisip.



Mariin akong napapikit nang makita ang nakangiting imahe ni Trina sa aking isip.



She's kind. I was wrong tolerating Ynigo for kissing me even though I know they are already engaged.



Dahil sa ginawa niya, mas lalo lang akong umaasa. Kahit hindi naman na dapat.



I tried to dialed their numbers. I even leave them a message dahil paniguradong hinahanap na nila kami simula kagabi hanggang ngayon pero hindi gumagana. Walang signal at ayaw mag send ng mga text ko. Hindi ko rin sila matawagan.



Nag-aalala ako dahil baka tumatawag na rin pala si Hestia at Alistair pero hindi ko matanggap dahil stuck ako sa loob ng kagubatang ito.



Bumuntong hininga ako at naupo sa hagdanan ng kubo, hinaplos ang balat ng biik na nasa aking tabi.



I just realized it is a girl. She looks more energetic now than last night na halos manghina na siya.



"You bring us here. Can you lead us the way back to them?" ngumiwi ako habang kinakausap ang biik.



Nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan sa aking likuran. Napalunok ako at halos manigas sa kinauupuan ko nang maalala ang nangyari.



Tuluyan akong nawala sa katinuan nang lagpasan niya ako para bumaba ng kubo at mag paaraw. Kahit papaano, mas mukha ng maayos ang lagay niya ngayon. Sana lang ay bumaba na ang lagnat niya.



Nilingon niya ako dahilan para mag tama ang paningin naming dalawa.



"If you're feeling fell, let's keep going. We should start finding the way. Walang mangyayari kung mananatili lang tayo rito." tumayo ako at binuhat ang biik.



I just can't leave her alone in this island. Kawawa naman. Mukhang wala pa siyang kasama rito. Kung bakit siya nandito ay isang malaking tanong pa rin sa akin.



Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang palapulsunan ko para pigilan ako.



"Bitawan mo ako." mariin at medyo galit kong sabi, hindi siya nililingon.



"I'm sorry... about last night. Hindi ko na napigilan ang sarili ko." bulong niya.



"Just forget it and let me go." marahas kong inagaw sa kaniya ang palapulsunan ko bago mag patuloy sa pag lalakad.



Naramdaman ko naman ang pag sunod niya sa akin. Pinamuuhan ako ng luha sa hindi maipaliwanag na dahilan.



Damn it.



Patuloy ako sa paglakad, hindi sigurado kung tama ba ang dinadaanan ko pero ibinubulong na sana ay makita ko na ang rest house.



Gusto ko nang umuwi. Ayoko nang manatili pa rito kasama siya. Baka hindi na ako makapag pigil pa sa susunod at tuluyan akong bumigay.



Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now