18

137 2 0
                                    

Chapter 18: Live



Nagising ako kinaumagahan ay may suot na akong sleeping dress at nasa tabi ko pa rin si Ynigo. I want to ask him for cuddles so bad pero hindi ko siya mayakap dahil nakahiga at natutulog si Oliver sa ibabaw ng kaniyang tiyan. 



I pouted. 



Nakakainggit.



I let myself fell asleep again dahil masyado pa namang maaga at nang magising ulit ay mag-isa na lang ako sa kama but I can still remember how he take care of me last night after doing it with him.



It was so good. He was so freaking good that I almost forgot it was also his first time doing it.



Inaantok na bumangon ako at pumasok sa banyo para makapag hilamos. I still have the energy. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang sakit ng katawan ko.



Lumabas ako ng kwarto. I found Ynigo on the kitchen, cooking on something.



Inihatid ako niya ako sa UST dahil may pasok nga ako kinaumagahan. Ganoon rin siya sa tanghali. Habang tulog ako ay pinagluto niya ako ng umagahan kaya dala ko ulit ang lunchbox na ipinadala niya sa akin noon.



I just can't walk properly dahil sobrang hapdi pa rin pero nagawa ko pa rin umakto nang normal sa harap nilang lahat. Though, Sandra noticed it but I keep refusing the truth. Ang sabi ko ay masakit lang ang puson ko dahil meron ako ngayon.



Hindi ko tuloy magawang makapag focus nung malapit na ang time para sa major subject ko dahil ang ginawa namin ni Ynigo kagabi ang tanging pumapasok sa isip ko. Detalyadong detalyado.



Mariin akong napapikit at padabog na nilapag ang libro sa aking armchair. Kinilabutan pa ako nang maalala kung ano ang pakiramdam ng naglalaro niyang dila sa balat ko.



Oh god, please! I'm trying to focus here!



Nag te-test ako pero imbis na sagot ang pumasok sa isip ko ay ang ginawa naming kababalaghan ni Ynigo kagabi ang naaalala ko!



"Miss Silvero."



Gulat akong napaangat ng tingin sa professor ko na nasa harapan nang bigla niya akong tawagin. Para akong nanliit sa kahihiyan nang mapansin na lahat na pala sila sa akin ay nakatingin.



"Masyado bang mahirap ang mga tanong ko diyan sa test paper mo? You looked pale. Are you okay?" tinaasan niya ako ng kilay.



"Ah, y-yes, Miss. I'm okay." umayos ako ng upo.



Dahil sa hiya ay yumuko na lang ulit ako at nag patuloy sa pag sasagot sa test paper ko.



Bwiset ang lalaking 'yon. Kasalanan niya lahat 'to! Nakakahiya!



Mabuti na lang ay nagawa ko pa ring sagutan ang mga tanong sa test paper ko at nagkaroon ng grades kahit papaano.



Bumuntong hininga ako at parang lantang gulay nang maupo ako sa gazebo kung saan kami madalas tumambay. Ilang hakbang lang ang lapit sa main building ng UST. Walang free time si Sandra habang si Lewis at Ambrose ay nasa UST hospital kaya wala akong makakasama mag lunch kundi ako lang mag-isa.



Mabuti na rin iyon para walang umusisa kung bakit ako ika-ika kung lumakad dahil baka kung ano pa ang masabi ko.



Damn that Ynigo! Tatlong linggo lang akong nawala roon ay parang ang daming nag bago sa kaniya.



He even left a mark on my neck and shoulders kaya kinailangan ko pang mag takpan iyon gamit ang makeup ko! Mabuti na lang talaga ay nakayanan ko pang takpan iyon.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now