12

126 2 0
                                    

Chapter 12: Impossible



Napaingit ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa aking mukha. Kahit hinihila pa ako ng antok at pinilit ko ang sarili kong bumangon.



Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pag kirot nito. A curse was about to escape my mouth but when I realized where I was, I blinked.



Hindi ko na rin suot ang mga suot ko kagabi at tangging pink pajama na lang ang meron sa akin ngayon.



How the hell I get inside my room? Kagabi lang ay nasa mansyon ako ng mga Suarez!



Natulala ako sa sahig at pinilit ang sarili na alalahanin ang lahat pero maliban sa nagpakalasing ako at tungkol sa nangyaring usapan namin ni Easton ay wala na akong ibang maalala pa.



Does Ynigo take me home?



Para mawala ang antok at pagkalutang ng isip ko ay pumasok na ako sa banyo para maligo pero nang matapos at makalabas ako ay parang ang bigat pa rin ng ulo ko dahil sa hangover.



I smiled at petted Oliver when I saw him climbed up on my bed. Matapos makapag ayos ay lumabas na ako ng kwarto kasunod siya maski sa pagbaba ng hagdan.



Dumiretso ako sa kusina para humanap ng makakain dahil tanghali na. Napataas ang kilay ko nang maabutan ko si Ynigo roon na nakasuot ng apron habang abala sa paghihiwa ng carrots.



He's cooking.



"You're awake." he looked at me.



"Uh, yeah, I just woke up..." I played with my fingers while watching him.



"Maupo ka na. I made a soup for your hangover." inabala niya ulit ang sarili sa ginagawa.



Namula ang pisngi ko sa sinabi niya pero tulad ng gusto niyang mangyari, naupo nga ako sa harapan ng counter at pinanood siyang magluto.



"Thanks pero hindi mo na dapat inabala pa ang sarili mo. I'm not a child that needed care." kunwari akong natawa.



"Look who's talking." he looked at me again, grinning. "A girl that acting like a baby last night, drunk and crying begging me to buy her an ice cream because it helps her calm down."



"Wait, what? I did that!?" my eyes widened.



"Yes. You did." he chuckled.



Napakurap ako at natulala. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya dahil wala naman akong maalalang ginawa ko nga iyon!



Kung totoo ngang ginawa ko iyon ay sobrang nakakahiya!



"I'm sorry... I think I caused you a lot of trouble again last night." nahihiya kong sabi.



"Don't worry about it. Here." inusog niya ang isang bowl ng soup.



Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ko ang bango nito. Dahil sa gutom ay hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon at sinimulan nang higupin ang sabaw nito kahit mainit pa.



"It's hot so careful," he warned.



Palihim ko siyang sinulyapan. He's busy cleaning the counter now.



I couldn't help but recall Easton's kiss last night.



When I feel his lips on mine, all I think about is Ynigo. I don't know what's wrong with me either.



Pinilig ko ang ulo ko at nag simula nang humigop sa soup pero natigil rin nang inusog niya pa ang hiwalay na lalagyan palapit sa akin. Napatitig ako roon nang mapagtanto kung ano ang laman nito!

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now