40

225 2 0
                                    

Chapter 40: Echoes



It is really a different feeling when you wake up every morning knowing that your inspirations in life are waiting at your side. The people you are getting are the source of your strength and energy.



Love is surely the most powerful thing in the world. Both beautiful and painful. It is luck to some but a curse to others.



Love isn't always perfect, they say. Maybe they are right.


Sometimes, good things will end and fade if the person isn't ready. All the happiness will remain experiences and memories but it will come back once they are already willing to fight for it.



Even if you listen to the echoes of their hearts, you still have to choose. You still have to make decisions and sacrifices.



But one surely I learned from all of this is it is okay to make sacrifices just to protect others or to protect yourself. To make everything right.



Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong pag sasakripisyo noon. Na sinira ko ang pangalan ko sa harap ng maraming tao para lang protektahan si Ynigo. I let them think whatever they want to think about me as long as I know he's safe away from me. Because I'm afraid to destroy him. I stay away because I know I will be the end of him.



But this time, I will follow what my heart desires. And it is to be with him and my daughter timelessly.



To forget our yesterdays and enjoy ourselves in the presents.



"Daddy!" mas lalo akong humagalpak sa tawa nang mag simula na mag wala si Alistair sa pag iyak.



Hawak ko ang bedsheet na tinupi ko para mailagay sa labahan habang si Alistair ay umiiyak na nakatayo sa gitna ng kama, bagong gising pero inaasar ko agad.



Paano kasi ay nakalimutan ko siyang suutan ng diaper kagabi kaya ngayon ay nagising kaming pareho dahil inihian niya ang higaan namin!



Paulit-ulit niyang tinatawag ang daddy niya na para bang naghahanap siya ng kakampi kaya halos mawalan na ako ng hininga sa pag tawa.



Pumasok si Ynigo ng kwarto na suot pa ang apron niya.



Mamayang hapon na ang biyahe namin patungo sa Casa Al Juaréz para sa selebrasyon ng kaarawan ni Alistair bukas ng hapon. Everyone will be there and some of the Media too. Photographers at ilang magazine writers para sa interview na gagawin namin bago mag simula ang party ni Alistair.



Nakahanda na ang mga maletang dadalahin namin dahil ilang araw rin kaming mananatili sa Batangas bago ang flight namin patungong Madrid para magbakasyon roon ng ilang buwan. Pagbalik namin ay tsaka namin aasikasuhin ang pag renovate ng bahay. 


Sa ngayon, si Ynigo ang pansamantalang tumutuloy rito para masamahan kaming mag-ina niya.



"What's happening here?" kumunot ang noo ni Ynigo, nagtataka kung bakit ngumangawa si Alistair. "Baby, Why are you crying?" binuhat niya ito.



"Mommy's fault!" tinuro ako ni Alistair. Tumawa ulit ako kaya mas lalong lumakas ang kaniyang pag iyak.



Umalingawngaw na sa buong kwarto!



"Cat." nilingon ako ni Ynigo, sinasaway ako.



"What?" pinalis ko ang luha sa aking mata dahil sa pag tawa. Sumasakit na ang tiyan ko at nauubo na.



"Stop teasing her."



"I'm sorry, I couldn't help it!" ngumiwi ako.



"Ano ba talagang nangyari?" naguguluhan niyang tanong.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now