36

199 4 0
                                    

Chapter 36: Forgiveness


Umunat ako at huminga ng malalim bago sumandal sa aking inuupuan, tinititigan ang screen ng PC ko habang hinihintay na mag upload ang nga files na sinave ko para maipasa na kay Hestia mamaya.



Napatili ako sa gulat nang biglang may humila ng upuan ko at inikot pa ito dahilan para pwersa akong mapaharap sa gumawa nito.



"What the fuck, Chad!" iritado kong reklamo at binato sa kaniya ang kinuyumos kong papel kanina.



Humalakhak siya, natutuwa na pinagtitripan ako.



Ang pagkakakunot sa aking noo ay nawala nang ipakita niya sa akin ang isang paper bag na itinago niya pa sa kaniyang likuran.



"Lunch together?" ngumisi siya at hinila ang upuan sa aking gilid para maupo sa aking tabi.



Kahit gulat ay hinayaan ko siyang ilabas ang mga pagkaing binili niya mula sa loob ng brown paper bag.



"You are overworking. Break time na kaya dapat kumakain ka na ng lunch but you are still here, finishing your works." pinagalitan niya ako.



Ngumuso ako.



"Palabas na rin naman ako dahil tapos na ako sa ginagawa ko! Naabutan mo lang ako rito." dahilan ko.



"Oh, yeah? Do you think you can fool me?" nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Umirap ako kunwari.



He's been courting me for three years now but ended up being rejected many times. He's my former suitor. After what happened in Boracay, mas naging malapit kami sa isa't isa at naging matalik na kaibigan.



Mukhang ayos naman na siya at unti-unting nakakaahon.



Mas ayos na sa akin iyon kaysa ang mawala siya sa akin dahil sa hindi ko lang magawang masuklian ang nararamdaman niya para sa akin.



I'm glad he stayed after that. I thought I'm gonna lose him too. Hindi ko kakayanin. Naging malaking parte na rin si Chandler ng buhay ko. He helped me many times. See me at my worst but he still stayed.



"Here you go." inusog niya sa aking lamesa ang isang white styrofoam. "Kumain ka na. Alistair wouldn't be happy if she saw you starving yourself."



"Ouch!" ingit ko nang pitikin niya ang aking noo.



"Kumain ka na." sinenyas niya sa akin ang pagkain.



"Fine! Fine! Why acting like a father now?" umirap ako at dinampot ang mga kumyertos na gawa sa plastic.



"Oh, well, I'm no your father. I'm far from being him," he said as if he was offended by what I just said. "Matigas ang ulo mo, Catalina. You have to be scolded first bago ka sumunod."



I mouthed, mimicking him. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa.



Bumuntong hininga ako bago nag simulang kainin ang fried rice na may isang fried chicken at isang fried pork pang kasama. Binigay niya rin sa akin ang vegetables salad na nakalagay sa hiwalay na styrofoam.



"It's safe to eat. Walang Spinach 'yan." sabi niya nang mapansing tinititigan ko ang mga gulay.



"Thank you, Chad." ngumiti ako sa kaniya. Tumango siya bago rin mag patuloy kumain.



Sabay rin kaming bumaba para magtungo sa cafeteria at makapag refill ng tubig pagtapos maubos ang mga dala niyang pagkain.



"Nabusog ako! Thanks for the foods!" tiningala ko siya.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now