22

189 3 0
                                    

Chapter 22: Family



Humikab ako at dumapa sa kama kinagabihan, hindi inaalis ang mata sa screen ng telepono. I'm busy stalking Raya Angeles social media accounts.



I heard from Alisterille na makakatrabaho ng boyfriend niya ang sikat na artistang ito kapag pumirma na si Hades sa kontrata.



Wala kaming ginawa ni Ynigo rito buong hapon kundi ang libutin ang paligid, naupo sa duyan habang pinapanood ang kalmadong dagat at kumain ng pinakuha kong buko sa kaniya kanina.



"What do you think, Ynigo? Raya Angeles is pretty, right?" I asked while scrolling through my cell phone.



Kakaupo lang ni Ynigo sa aking tabi kaya hindi ko na siya kailangan pang lingunin.



"Raya Angeles? That supermodel and actress?" paniniguro niya.



"Uh-huh." tumaas ang kilay ko. "I stalked her from her social media accounts and found an update for her upcoming shooting with your cousin."



"I don't know."



"Huh?" nagtataka ko siyang nilingon. "What do you mean you don't know? Oo o Hindi lang naman ang isasagot mo sa tanong ko?"



"What do you want to hear, then?" ngumisi siya. "Kapag sinagot ko 'yang tanong mo, mag selos at magagalit ka pa. Aawayin mo na naman ako."



"That's not my intention!" ngumuso ako. "I just wanted to hear your opinion about her! Well, she's pretty." nilingon ko ulit ang telepono ko. "Maganda rin naman ang pinsan ko. Mas lamang nga lang siya." ngumisi ako.



"You don't have to compare them, Cat." saway ni Ynigo.



"I'm not comparing them! Kinakampihan ko lang ang kadugo ko." natawa ako.



"Stop being a chismosa and go to sleep. It's already late, Miss." he took my phone out of my hand and placed it on the side table beside him.



"I'm not sleepy yet."



Bumuntong hininga ako at himilata sa kama, tumulala sa kisame kung saan nakikita ang buwan at mga bituin sa kalangitan dahil gawa sa salamin kanilang bintana sa bubong.



I smiled. Just watching the stars in the night sky makes me calm my whole being.



"They are so pretty," I whispered as I put my hands in the air, creating a camera shape using my fingers and capturing the stars. "Thank you for bringing me here." nakangiti kong sabi, hindi pa rin inaalis ang mga mata sa magandang tanawin.



Hindi siya umimik kaya hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kalangitan hanggang sa hilahin na ako nito sa pag-tulog. Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang pag tunog ng yate sa hindi kalayuan.



Napabangon ako. Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero wala na si Ynigo sa aking tabi.



Oo nga pala. Maaga kaming bibiyahe pabalik sa Casa Al Juaréz ngayong araw. Naging mahirap pa sa akin ang pag galaw at pag lakad papuntang banyo para makapag hilamos because of my period.



Nakakairita dahil talagang sumabay pa ito sa bakasyon naming dalawa ni Ynigo! Paano na ngayon ang plano kong lumangoy sa dagat kung may dalaw ako!?



Iritado kong isinarado ang pintuan ng banyo. Ang aga-aga ay nababadtrip ako.



Isasahod ko na sana ang mga kamay sa gripo ng lababo para makapag hilamos but I stopped when I noticed the new diamond ring on my finger.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now