09

121 4 4
                                    

Chapter 09: Ignored



Matipid akong ngumiti habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ni Oliver sa higaan niya.



Nakabihis na ako at nakahanda na. Naghihintay na lang ako na matapos si Ynigo dahil kailangan ay sabay kaming pupunta mamaya sa simbahan na sinasabi ni Daddy. 



Mukhang wala na talaga akong magagawa but to accept my faith and marry Ynigo even though we didn't love each other. We even barely know each other.



When I was five, I used to look up on my parents. I used to wish I wanna be like them when I grow up and if I have a child pero ngayon, binabawi ko na. Hinding hindi ko papalakihin ang anak ko tulad ng pagpapalaki nila sa akin.



I just love them so much. I just want an attention. I want their care and love. Anak nila ako. Masama ba kung hihingi ako kahit karampot nilang atensyon? Kasama ko sila araw-gabi pero pakiramdam ko ay mag-isa pa rin ako. Nangungulila ako.



But then, they are still my parents. I can't get mad. Hindi ko kayang magalit sa kanila ng matagal. Mahal ko sila pero hindi ko maiwasan na maramdaman ito.



"Ma'am Catalina?" napalingon ako sa pintuan nang marinig doon ang pagkatok ni Rosalinda. "Nasa baba na po si sir Ynigo. Hinihintay na kayo."



Hindi ako sumagot at tumayo na lang. Kinuha ko pa sandali ang handbag ko at inayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.



Tulad ng madalas kong ipakita sa harap ng mga tao, ngumiti ako kay Rosalinda nang bumungad siya sa akin. Binilin ko pa si Oliver tsaka ako bumaba ng hagdanan.



Naabutan ko si Ynigo sa labas ng bahay. Sa harap ng sasakyan niya. Nag tama ang paningin naming dalawa kaya bahagya akong ngumiti.



"Good morning." mahinang bati ko.



Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako pero kalaunan ay tumango rin siya sa akin.



"Where are you going?" rinig kong tanong niya nang makalapit ako sa sasakyan ko.



Bubuksan ko na sana ang pintuan nito kung hindi lang siya nag salita. Taka ko siyang nilingon.



"We'll use my car. Get in." sinenyas niya sa akin ang sasakyan niya.



Sandali akong natigilan. Nang mapagtanto ang gusto niyang mangyari ay tsaka lang ako kumilos.



Oo nga pala. We're engaged at kailangan namin mag panggap.



Humigpit ang hawak ko sa handbag ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya sumakay na lang ako sa sasakyan niya. Siya na rin ang nag sara nito. Habang umiikot siya sa harapan papunta sa driver's seat ay abala naman ako sa pag susuot ng seatbelt.



Tahimik niyang pinaandar ang makina ng sasakyan at nag maneho paalis. Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng sasakyan niya.



Mahina akong natawa nang may maisip.



"Ilang babae na kaya ang naisasakay mo rito?" nilingon ko siya. "No offense, ah? I'm just asking you."



Tumaas ang kilay niya at sandali akong nilingon bago ulit tinuon ang atensyon sa daan.



"Eh, ikaw? Ilang sasakyan na ang nasasakyan mo? No offense, ah? I'm just asking you." he mimicked me.



Napakurap ako at umayos ng upo.



"Well, except my ex's and friends' car, no one." taas noo kong sabi.



"Oh, you do have exes?" he sounds so amazed at parang nainsulto pa ako roon!

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now