34

168 4 0
                                    

Chapter 34:  Wrong



"How are you feeling?" Chandler asked as he sat beside me, giving me cold water.



"Maayos na ako. Salamat." matipid akong ngumiti at ininom ang tubig na binigay niya.



Napaangat lang ako ng tingin nang pumasok na rin sa loob ng yate si Trina at Ynigo. Kamalas malasang sa harapan ko pa sila naupo.



"Chad, Catalina? Why don't you guys join them outside? Langoy tayo!" nakangiting aya ni Trina.



"No, we're fine here. She's not feeling well. She needs to rest." si Chandler na ang sumagot.



"Oh, are you sick?" kasabay ng pag lingon sa akin ni Trina ay ang siyang pag lingon rin sa akin ni Ynigo.



Tumalim ang tingin namin sa isa't isa nang makasalubong kami ng tingin pero ako rin ang unang nag iwas.



"I'm not sick. Naparami lang ako ng inom kaya nahihilo ako." sagot ko sa tanong mg fiance niya.



"Aw! Sayang naman! Mas masaya sana kung lahat tayo ay kumpleto roon sa baba!" Trina pouted. "Right, love? Should we stay here too and join them instead?"



Nag iwas ako ng tingin nang maupo siya sa hita ni Ynigo. Sa harap ko pa talaga?



"You should have rest yourself too. Marami kang nainom." I heard Ynigo answer.



"But, I'm not drunk yet! Look! I'm still on myself!" she giggled.



Tumayo ako dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang tatlo.



I can't stay here just to listen them giggling to each other. Nakakairita. Baka kung ano pang iskandalo ang magawa ko rito kapag hindi ako makapag pigil at tuluyang mawala sa sarili.



"Maybe we should join them outside." pagbabago ko sa isip ko at nilingon si Chad.



"Kaya mo ba? Baka kung anong mangyari sayo sa baba." nag-aalalang tumayo rin siyang tumayo.



"I'll be fine. Nandiyan ka naman, alam kong hindi mo ako pababayaan." ngumiwi ako, sinadyang iparinig sa dalawa.



"You guys are so suit to each other!" kinikilig na sabi ni Trina. "Right, love? Bagay na bagay silang dalawa, hindi ba? Ano sa tingin mo?" natatawang nilingon niya si Ynigo.



"Of course." tango ni Ynigo na mukhang labag pa sa kalooban niya.



Bumuntong hininga siya at umirap sa kawalan bago ininom ang alak na hawak niya.



Umiling ako bago sila nilagpasang dalawa. Naramdaman ko naman ang pag sunod sa akin ni Chandler.



"Are you sure you can swim? You are drunk, Catalina. It'll be safe if we just stay here." nilingon niya ulit ako.



"Hey, Cat! Chad! join us here!"



Napalingon kaming dalawa sa baba nang kawayan kami ng mga kasama namin na ngayon ay nagapalutang-lutang sa dagat. Hindi naman sila lumalayo sa yate.



"I'll be fine, Chad. Mauna ka na sa baba. I'll just remove my clothes." sabi ko sa kaniya at sinimulan nang hubarin ang cardigan na suot.



"Alright." he sighed as he removed his polo shirt and white sando, revealing his good body features.



Sandali niya pa akong tinapunan ng tingin bago tuluyang tumalon pabagsak sa tubig.



"Trina!"



Napalingon ako kay Ynigo sa biglaan niyang sigaw. Napaatras na lang ako nang sumunod na tumalon rin sa tubig ay si Trina. Nilapitan agad siya ni France. Kinawayan pa nila kami bago sila mag tawanan.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now