21

127 2 2
                                    

Chapter 21: Better



Tinakbo ko ang malawak na pino at puting buhangin ng Casa Al Juárez, hinahayaan ang pang umagang hangin na yakapin ako.



Pumikit ako at hinawakan ang suot kong sumbrelo bago umikot at huminga ng malalim, hindi na mawala ang ngiti sa labi.



Huminto ako sa pagtakbo at hinarap si Ynigo na nakangiti habang pinapanood ako. Hawak niya ang basket kung saan nakalagay ang mga dala naming pagkain at gamit dahil balak namin sumakay ng yate. May gusto raw siyang ipakita sa akin.



Dahil sa lakas ng hangin ay nililipad ang suot niyang dress shirt kaya kitang-kita ko ang suot niyang sando sa loob. Ganoon rin ang manipis niyang puting pantalon. Suot niya ulit ang specs niya.



I'm only wearing a white off shoulder tube and long floral skirt. Sa haba nito ay dumasayad na iyon sa buhangin sa tuwing naglalakad ako.



This is fun!



"Come on, hurry up!" I giggled as I waved my hands at him.



Tinalikuran ko siya at naunang tumakbo palapit sa Yate na naghihintay na sa amin sa dalampasigan. Ynigo knows how to drive a Yacht kaya kaming dalawa lang ang sakay nito mamaya.



Bago kami lumakad ay nag paalam pa ako sa mga pinsan ko kanina. Si Alisterille ay mukhang galit pa rin kay Ynigo at Hades kaya nakabusangot ang mukha niya nang umuwi siya mag isa kanina.



Nakakaawa dahil nadamay siya sa galit ng pinsan ko pero hindi ko rin maiwasang matawa para sa kaniya. Mukhang nahihirapan siyang suyuin si Alisterille.



Mabuti na lang ay nagkasundo si Solana at Ynigo kanina kaya kahit papaano ay nakampante ako. Huhupa rin ang galit ni Alisterille. She'll understand everything. She just need time.



Sumakay ako sa yate ng walang kahirap-hirap. Inabot sa akin ni Ynigo ang basket kaya kinuha ko iyon at ako na ang nag lagay sa loob. Hindi pa siya nakasakay agad dahil biglang tumunog ang telepono niya.



Ngumiti ako at tumango sa kaniya nang mag paalam siyang sasagutin niya muna ang tawag ng kung sino. Habang hinihintay siyang makapanik ay dumiretso ako sa pangalawang palapag ng Yate.



Pumikit ako at humawak sa malamig na railings, sinimulang damahin ang hangin.



Wow. This is so relaxing. This is the escape I want. I way from everyone. Just a peaceful day with him.



Napamulat ako nang maramdaman ko na ang pag galaw at pag andar ng yate. Malamang ay nasa baba na si Ynigo.



Hindi ko iyon pinansin dahil malamang ay papanik rin iyon rito mamaya para sundan ako kaya naman sinimulan ko nang hubarin ang off shoulder ko dahilan para maiwan sa katawan ko ang swimming bra ko.



Balak ko rin kasi maligo sa dagat kaya sinadya kong isuot ito. Para hindi makaabala ang buhok ko ay itinali ko muna ito. Tatanggalin ko na lang mamaya.



Hindi pa ako natatapos sa ginagawa ko ay napatili na ako nang maramdaman ko ang pag halik ni Ynigo sa aking balikat. Nasundan pa iyon papunta sa aking tenga hanggang sa maabot niya ang aking leeg. Kinilabutan ako kasabay ang pag ihip ng malamig na hangin.



Humarap ako sa kaniya. Tumaas ang kilay ko nang makitang wala na pala siyang suot na damit na sa loob at tangging ang dress shirt na lang niya ang meron. Bukas lahat ng butones kaya kitang-kita ko ang nakabalandra niyang abs. Binusog na yata nito ang mga mata ko.



I looked up at him again as I wrapped my arms around his waist. Letting his massive hands travel around my back and buns. Sumandal ako sa railing nang idiin niya sa akin ang sarili niya.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now