20

143 2 1
                                    

Chapter 20: Lucky



"Ma'am Catalina, saan ko po ito ilalagay?"



Nahinto ako sa pag bubungkal ng lupa at nilingon si Rosalinda na hawak ang isang halaman na nakalagay pa sa itim na plastik.



"Oh, just put it there." turo ko sa may bandang pintuan para iyon ang bubungad kapag may bumisita rito sa garden.



Tumango siya at sinunod ang gusto ko kaya nag patuloy na ulit ako sa pag aayos ng lupa sa paso para mailagay ang paborito kong bulaklak.



Lunes na at walang pasok dahil nag sisimula pa lang ang semester break namin. May isang linggo pa bago kami ulit bumalik sa pag-pasok. Mamayang gabi na rin ang uwi ni Ynigo galing Tagaytay.



Hindi ko pa siya nakakausap simula kaninang umaga. Ayoko ring tumawag at mag text dahil baka may ginagawa siya at abala kaya habang naghihintay ako ay inaliw ko muna ang sarili ko sa pag aayos ng mga halaman sa likod ng bahay.



Wala akong magawa kaya itong mga halaman at bulaklak ang pinag-initan ko.



Bago kami umuwi pabalik ng Manila ay nagkaayos rin kami ni Rajiah. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagalit. Maski ako rin naman ay pagod nang mag panggap sa sarili ko na ayos lang ang lahat.



But I won't be voiceless anymore. Never again.



Nahinto ako sa ginagawa nang marinig ko ang pamilyar na busina ng sasakyan sa harapan. Kumunot ang noo ko.



Hindi rin nag tagal ay lumabas ang isa pang katulong at hinanap ang mga mata ko.



"Ma'am Catalina, Nasa labas po si Mayor at Ma'am Mariana. Hinahanap po kayo." sabi niya at yumuko.



Nagkatinginan kaming dalawa ni Rosalinda. Tumayo ako kaya kinuha niya muna sa akin ang hawak ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko kanina.



"I'll be there in a second." sabi ko sa katulong.



I watched her leave as I removed the gloves on my hands. Huminga pa ako ng malalim bago ako pumasok pabalik sa loob ng bahay.



Nakita ko si Daddy sa sala na iginagala pa ang paningin sa paligid habang si mommy ay kakapasok pa lang sa pintuan.



Bahagya akong ngumiti para humalik at yumakap kay mommy. She did the same so I faced my father to greet but he just let me kiss his cheeks.



"I'm sorry, I didn't know you were coming. Hindi ako nakapagpahanda ng pagkain. I was busy in the garden." I explained.



"Bakit hindi ka sumama kay Ynigo?" diretsong tanong ni daddy sa akin.



"What?" medyo gulat ako sa narinig.



"Why didn't you tell me they're out for a business trip? Bakit hindi ka sumama? Kung hindi ko pa narinig sa secretary ko kanina, hindi ko pa malalaman?" kumunot ang noo niya.



"Dad, it's their family business trip. I just can't go and fit myself into their plans?" kunwari akong natawa, naguguluhan.



"That's the plan!" he yelled which made me flinch.



"Lorenzo, calm down." awat ni mommy.



"I... I don't understand you, dad." umiling ako.



"Kaya ako nag suhestiyon na magsama kayo ni Ynigo sa iisang bahay because I want you to stick to him 24 hours! I want you to tell me what's Leonor's planning." he looks so mad. Kunot na kunot ang noo ay makikita sa mga mata ang desperasyon.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now