05

142 4 2
                                    

Chapter 05: Pity


I was busy listening to my prof's lesson when I yawned. Sobrang lamig dahil sa air-conditioning kaya nakakaantok. 



Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil kakasimula pa lang ng pasukan ay marami na agad na pinapagawa sa amin. Sunod-sunod ang reporting kaya kailangan kong mag puyat tuwing gabi para lang maasikaso ko ang mga iyon.



Being a college isn't easy. Kung noong High School ay nagagawa ko pang magliwaliw, ngayon ay hindi na dahil sa sobrang daming gagawin. Sobrang busy pa ng schedule.



Kada linggo yata ay may ipinapasa kaming requirements. 



Ilang araw na rin masama ang pakiramdam ko pero ayokong ipaalam sa mga kaibigan ko dahil mag-aalala lang ang mga 'yon.



Kanina ay may tatlong reporting akong ginawa, gladly, they went well. Mas naging madali para sa akin dahil individual reporting naman. Mas gusto ko iyon kesa groupings.



Pumangalumbaba ako at napalingon sa labas ng bintana. Tumaas ang kilay ko nang mapansin ang paunti-unting pag buhos ng ulan.



Shoot. I don't have an umbrella.



Habang lumilipas ang minuto ay mas lumalakas rin ang ulan at mas lumalakas ang hangin.



Mabuti na lang pala at ito ang huli naming subject para sa ngayong araw pero namomoblema ako kung paano ako uuwi lalo na at hindi ko dala ang sasakyan ko ngayon dahil sinundo lang ako ni Hestia kaninang umaga.



"Paano ka uuwi?" tanong ni Sandra nang makarating kami sa parking basement ng UST.



"Ihahatid na kita." pag singit ni Ambrose.



Nauna sa loob si Lewis para kuhain ang sasakyan niya dahil siya rin ang maghahatid kay Sandra.



"Hindi na." Ngumiti ako at umiling sa mga kaibigan ko. "Papatilain ko na lang ang ulan. Kapag hindi pa humina, tatawagan ko na lang ang pinsan ko para mag pasundo." sabi ko na lang dahil ayokong maabala pa sila.



Alam kong pagod sila buong hapon at ayoko ng makaabala pa sa kanila. They need to rest kaya kailangang makauwi na sila agad.



"Are you sure, Cat? Sumabay ka na lang kay Ambrose."



"No, really, I'm fine here. Mayamaya rin naman ay hihina na ang ulan."



Akala ko ay matatagalan pa ako bago ko sila maisahan pero kalaunan ay ako rin ang nanalo. Kumaway ako habang pinapanood ang sasakyan ni Lewis na makaalis. Sumigaw pa si Sandra mula sa loob na mag text raw ako kapag nakauwi na ako.



"Drive safely, Ambrose." sabi ko nang huminto ang sasakyan niya sa harapan ko.



He stared at me for a moment as if he wants to say something. Natawa ako dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya. Tumango na lang ako at sinenyasan siyang umalis na rin dahil ayos lang ako rito. He looks so worried at gusto talaga akong maihatid na lang para makauwi na rin ako.



He pouted before giving me small nod. Itinaas niya ulit ang bintana ng sasakyan niya. Kinawayan ko siya nang sa wakas ay umalis na rin siya.



Ngumuso ako at sinahod ang kamay ko para damahin ang tubig-ulan sa palad ko. Makulimlim ang langit.



Hindi ko naman alam na uulan pala ngayong hapon kaya hindi na ako nakapagdala ng payong.



Nanatili ako sa kinatatayuan ko pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Nag text na sa akin si Ambrose at Sandra na nakauwi na sila habang ako ay nandito pa rin. Nang mag tanong sila kung nakauwi na ba ako ay sinabi kong nakasakay na ako at pauwi na.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum