31

174 3 2
                                    

Chapter 31: Punishment


"Cat, are you okay?" maingat at bulong na tanong ni Hestia nang malapitan niya ako pagtapos kumain ng mga bisita.



No, I'm not! I just saw my ex-fiance after five years!



Hindi ko alam kung na nanadya ba ang langit at pinaglalaruan ako o ano.



Nanginginig ang kamay na ininom ko ang tubig sa hawak kong baso. Hindi pa rin makapaniwala sa nakita ko kanina.



"Ynigo's there. He saw Alistair. Paano kung namukaan niya yung bata?" maingat niyang tanong na mas lalo lang nagpakabog sa puso ko.



Lumunok ako. Hindi ko alam. I will make sure that it'll be the last time he'll saw my daughter. Pag balik namin ng Maynila ay hindi na ulit sila magkikita pa. Kahit kailan. 



"Where's Alistair?" pag-iiba ko sa usapan, iniiwasan ang tanong niya.



"She's already sleeping. Buhat na ni Eros. Pinanik na niya sa taas para makapag pahinga na ng maayos yung bata. Ikaw? Hindi ka pa ba magpapahinga?" tinitigan niya ako.



"Susunod ako. Kukuhain ko lang yung mga gamit ni Alistair sa sasakyan ni Solana." sabi ko at binaba ang baso sa mahabang lamesang nasa likuran ko.



Unti-unti nang nagsisi alisan ang mga bisita kaya maluwag na rin ang bawat daan. Si Alisterille at Hades ay abala sa interview nila sa loob ng bahay kaya dumiretso na ako sa parking lot matapos makapag paalam kay Hestia.



Mabuti na lang ay naabutan ko si Achellus at Solana sa harapan ng dala nilang sasakyan. Dahil pagod rin sila ay dito na raw sila magpapalipas ng gabi at ipagpapabukas na lang ang pag uwi.



Bukas ay babalik na naman kami ng Maynila at haharapin na naman ang normal kong mga araw.



"Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Solana na nakapag pabalik sa akin sa katinuan.



Maski si Achellus ay napalingon rin sa akin, sinusuri ako.



Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nagkatuluyan ang dalawang ito pero masaya ako para sa kanila dahil matapos ang ilang taon, nakuha na nila ang isa't isa.



Darating ang araw na lahat sila at kasal na at ako na lang ang napag-iiwanan. Wala akong balak makipag relasyon ulit sa iba pagkatapos nung nangyari pero ayokong ikulong ang sarili ko sa sakit at kalungkutan. Ayokong isarado ang puso ko para sa iba pero mas importante ngayon si Alistair sa akin.



After those years, even once, replacing him didn't cross my mind.



But we really can't force someone to make things work. We need to learn to let them go if needed. Hindi sa lahat ng bagay, kailangan nating lumaban. Minsan, kailangan rin nating huminto at mag pahinga. Lalo na kapag alam nating tama na.



"Yes, of course." pilit akong ngumiti. "Salamat sa pag hatid niyo sa aming dalawa ni Alistair kanina. She enjoyed the ride." sabi ko nang makuha ang kahon kung saan nakalagay ang mga gamit ng anak ko.



"Anytime." Solana smiled at me.



Dahil sa takot na baka hanapin ako ni Alistair kapag nagising siyang wala ako sa kaniyang tabi ay hindi na ako nag tagal pa sa pakikipag-usap sa dalawa. Ayaw ko rin naman silang abalahin pa.



Tahimik akong pumasok sa loob ng mansyon pero parang gusto kong umatras nang madatnan ko si Ynigo na nakaupo sa dulo ng hagdanan kung saan ako dapat na dadaan pero huli na ang lahat. Nahanap na ako ng mga mata niya.



Our eyes met. Even though I was so surprised to see him here, I still managed to look back at him. Why he is sitting here alone when the visitors are outside isn't my business anymore.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now