CHAPTER 6

182 17 0
                                    


"Bye ate!" paalam ni Lucas.

"Babye ate!" paalam naman ni Scarlet.

"Mag iingat kayo pag pasok ha" saad ko at kinawayan sila. Buhat ni Lucas ang bag ni Scarlet at naglakad palayo. Papasok na sila, ako nanaman ang naiwan sa bahay at inasikaso si lola. Mamaya ay papasok nanaman ako.


Pumasok ako sa kwarto at pinunasan si lola. Pinalitan ko rin ang higaan niya bago naglinis buong bahay. Gaya ng palagi kong ginagawa ay naglinis muna ako ng bahay. Nag text din pala si Hera, sabi niya ay dadaan siya rito next week para magkaron kami bonding.


Pagkatapos ko maglinis ay nagpahinga ako saglit. Tuwing tanghali hanggang gabi lang ang pahinga ko dahil nga tuloy-tuloy ang pasok ko mula alas sais ng gabi hanggang alas nuwebe ng umaga. Ito lang ang time ko para makapag pahinga. Nang makapagpahinga na ako ay naligo ako at nagpatuyo ng buhok saka natulog.


Nagising ako dahil sa init. Napatayo ako at napa paypay sa sarili. Inabot ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Alas kwatro na ng hapon kaya medyo madilim na. Napatingin ako sa electricfan na hindi na gumagana. Pinindot ko ang switch ng ilaw pero hindi rin ito nagbukas. Naputulan ba kami kuryente?


Lumabas ako at hinanap sila Lucas pero wala pa rin. Alas kwatro na pero hindi pa rin sila nakakauwi. Sa pagkakaalam ko ay dapat kanina pa sila nandito. Pumasok ako sa kwarto at sinilip si lola. Kinuha ko ang wheel chair nito at inilagay sa tabi n kama niya. Binuhat ko si lola at dahan-dahan nilipat sa wheel chair.


"Lalabas muna tayo la. Papahangin tayo" saad ko at dinala siya sa tapat ng bahay.


Paglabas namin ay nasa labas din ang ilan sa kapitbahay namin. Ang iba ay nag susugal, ang iba naman ay nag chichismisan samantala ang mga anak nia ay pinapabayaan. Napailing na lang ako nang magsimulang magtalo ang ilan sa nag susugal. Nagdudugaan lang naman sila.


"La, saglit lang po. may titignan ako sa loob" saad ko at hinawakan ang kamay nito.


Pagpasok ko sa loob ay tinignan ko ang natitirang pera sa wallet ko. Nagbayad naman kami pero bakit pinutulan pa rin kami kuryente. Yung wallet ko 800 na lang natitira. Hindi na kakasya para sa susunod na araw.


"Ate!"


Napalingon ako kay Scarlet na may dalang lollipop. Si Lucas naman ay nasa likod at nakayuko habang mahigpit na naka hawak sa strap ng bag niya.


"Oh bakit ngayon lang kayo?" tanong ko.

"Gagala ko ni kuya tapos nagplay kami sa park. Binilihan ako ice cream" natutuwang saad ni Scarlet.

"Kayo ha hindi kayo nagpapaalam" saad ko.

"Lucas, binayad mo ba yung sa kuryente noong nakaraang linggo? Naputulan tayo" saad ko.


Hindi ito sumagot sa akin at nanatiling nakayuko. Mas humigpit pa ang kapit nito sa strap ng bag niya. Nagsimula na rin itong humikbi pero hindi sinagot ang tanong ko.


"Lucas? Binayad mo o hindi?" tanong ko pero umiling ito.

"Asan ang pera?" tanong ko pero hindi ito kumibo.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now