CHAPTER 45

116 9 3
                                    

Pagod na pagod kong nililigpit ang mga gamit ko. Sobrang busy ko lately, maraming sinusugod sa ER. Kahit day off ko nga nung nakaraang araw pero pinapasok ako kasi emergency. Wala akong choice kundi pumasok. Hindi rin ako nakakauwi ng bahay dahil dito na ako sa hospital natulog nitong mga nakaraan.


"Monique, una na ako ha" pagod na saad ko habang si Monique ay nakahiga at mahimbing na natutulog.


Hindi ko na pinilit na gisingin si Monique dahil alam kong pagod din ito gaya ko. Nag iwan ako ng note sa table para kung sakaling magising siya at hanapin ako ay mababasa niya.


Dumeretso ako sa parking lot at  tumungo sa sasakyan ko. Nang makasakay ako ay dali-dali ko itong pinaandar. Sinilip ko ng sandali ang oras sa wrist watch ko at napahawak sa ulo dahil sa sakit nito.


Sa kalagitnaan ng biyahe ay naisipan kong mag kape para magising ang diwa ko. Tinungo ko ang daan sa coffee shop kila ma'am Victoria. Gusto ko kasi yung kape na gawa niya. Hindi ganon katapang.


Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko ang coffee shop. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng shop. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay may kumakaway na sa akin. Pumasok ako at agad kong nalanghap ang pinaghalong amoy ng kape at cake na ginaganawa nila ma'am Victoria.


"Sophia!!" natutuwang saad ni Karla.

"Hii! Ikaw lang dito?" tanong ko.

"Oo eh, nag order ako. Kakauwi ko lang galing work tapos naisipan ko dumaan kay ma'am Victoria" saad nito.

"Ah ganon ba. Mag stay lang din ako saglit eh" saad ko.


Hinila niya ako sa isang table at nag tawag ng waitress. Magkatapat kami ni Karla at nagsimula itong mag pumili sa menu. May mga bago kasi sa menu nila ma'am Victoria pero hindi naman daw niya inalis yung mga dati. Marami pa rin kasi bumibili.


"Okay ka lang ba? Parang pagod na pagod ka" saad ni Karla. Nag order ako ng sa akin at ganon din siya. After ay tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Ilang araw na ako walang pahinga eh. Dumagsa mga pasyente sa hospital" saad ko.

"Kaya pala eh. Mahirap talaga pag ganyan. Tita ko kaya nag doctor tapos wala siya pahinga" saad ni Karla.

"Totoo yan" saad ko at ngumiti. Dumating na ang order namin at dali kong hinigop ang kape ko para kahit papano ay mawala antok ko.

"Kamusta pala kayo nung bf mo noon Sophia?" tanong ni Karla dahilan para magising ang diwa ko.

"Kasi hinahanap ka niya nakaraan eh" dagdag pa ni Karla dahilan para mangunot ang noo ko.

"Di mo alam? Nakaraang taon nagmamadali ka niya hanapin" saad ni Karla.

"Loko ka! Akala ko nakaraang araw" saad ko at nakahinga nang maluwag. Pero kahit na ganon ay malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Pero alam mong wala na siya?" tanong ni Karla.

"Oo, pero unti-unti kong tinatanggap kahit mahirap" saad ko habang nakatitig sa coffee ko at cake na palaging inoorder ni Henrich noon.

"Paano kung buhay pa pala siya? Ano gagawin mo?" tanong ni Karla.

"Imposible yan, nakita ko mga picture niya noong nagkasakit siya. Sobrang hirap na hirap siya sa hitsura pa lang" saad ko at malungkot na ngumiti pero.

"Bakit mo naisip yan? Na paano kung buhay pa siya?" tanong ko kay Karla.

"Nanghihinayang ako sa inyo. Hindi ko rin alam bakit bigla ka na lang din nawala nang walang paramdam eh. Malay mo siya rin. Hindi naman natin alam ang nangyari sa kanya" saad ni Karla.

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon