CHAPTER 54

91 7 3
                                    

Dyn's POV 


Narito ako sa hospital at walang ganang sumakay sa sasakyan na bigay ni Dad. Nakuha ko sagot sa iilang tanong ko ngunit may hindi pa rin nasasagot.


Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan patungo sa bahay na pansamantalang tinitirahan namin ni Sophia. Yeah, we're living under the same roof pero separate naman ang room namin.


Pagkarating ko ay agad kong ipinarada ang sasakyan sa harap ng bahay. Dumeretso ako sa loob pero walang Sophia na sumalubong sa akin.


I noticed na mas lalong lumayo ang loob naming dalawa sa isa't isa. Sinubukan kong lumapit sa kanya at gawan ng paraan para magkalapit muli pero wala talaga.


Palagi ko pa rin siya sinusundan sa tuwing umaalis siya at sa iisang lugar lang siya nagpupunta at iyon ay sa seaside. Palagi siya parang may hinihintay na kung sino at nag i-stay lang siya ron at umiiyak.


"Babe"


Nahinto ako sa pag iisip nang sumulpot si Sophia. Napatingin ako sa suot nito na naka dress at mukhang may pupuntahan. I looked at her intently and I noticed her puffy eyes.


Madalas ko rin siya makita na mugto ang mga mata at sa tuwing alis niya ay alam ko kung saan siya pupunta. Kagaya ngayon, alam ko na doon nanaman siya sa seaside.


"Wanna go somewhwere, babe? Para makapag relax ka?" tanong ko.

"Huh?" kunot noong tanong nito.

"Hmm...gusto mo punta tayo sa seaside? Parang masaya ron eh" saad ko at inobserbahan siya nang sabihin ko ang lugar na kung saan ito nagpupunta pero umiling si Sophia.

"Saka na siguro. May importante pa akong pupuntahan saglit eh. Sorry babe. Bawi ako next time ha" saad ni Sophia.

"Oh pano? Mauna na ako babe ha" dagdag pa nito. Hindi na ako hinintay pang magsalita at umalis na agad si Sophia.


Pinanood ko ang sasakyan nito na papalayo kaya muli kong kinuha ang susi ng sasakyan at dali-daling sumakay para sundan si Sophia.


Gaano ba ka-importante ang pupuntahan niya at parang mas mahalaga pa 'yon kesa sa akin?



Patuloy ako sa pag sunod sa kanya hanggang sa huminto ito. Bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa isang flower shop. Mula rito sa labas ay kita ko pa rin siya sa loob. Ang bata ay nakangiti sa kanya at mukhang kaclose niya ito. Inayos ng bata ang mga bulaklak bago inabot kay Sophia. Nag paalam sila sa isa't isa saka umalis si Sophia na may ngiti sa labi. Muli itong sumakay sa sasakyan at pinatakbo niya iyon ng mabilis.



Sinundan ko si Sophia hanggang sa huminto ito sa libingan. Hindi ko alam kung para saan ang kabang nararamdaman ko. Pilit ko ring winawaksi sa isipan na sana hindi tama ang iniisip ko. Siguro ay narito siya para bisitahin ang namayapa nitong ina.



Pumasok si Sophia sa loob ng libingan kaya ipinarada ko rin ang sasakyan ko. Sinundan ko siya sa loob at naabutan ko ito na naka upo sa harap ng lapida. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mabasa ko ang pangalan ng nasa lapida. I smile bitterly as I remember what Monique said two months ago.

Follow Your Heartbeat (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن