CHAPTER 26

134 18 4
                                    

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko. Inilibot ko ang paningin ko at nasa loob kami ng sasakyan. Muli ay pumasok sa isipan ko na ipapakilala na ako ni Henrich sa parents niya.



"Andito na tayo, baby" saad ni Henrich. Napalunok ako ng ilang beses bago ako bumaba habang inaalalayan ako ni Henrich.



Pag tapak ko sa lupa ay inilibot ko ang paningin ko ay nasa harap kami ng isang malaking bahay. Tinignan ko ang oras sa relo na suot ko at ala una na pala. Mahigit apat na oras ang biyahe namin ni Henrich papunta rito.



"Okay ka lang ba?" tanong ni Henrich. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Nasa harap kami ng malaking pinto sa front door ng bahay nila.



Hinawakan niya ang kamay ko at pinag siklop niya 'yon saka niya sinabihan ang isang bantay na buksan ang pinto. Pag bukas ay naglakad kami papasok ni Henrich. Hindi ko alam kung nakakailang lunok na ako sa kaba.



"Baby.." saad ko.

"Calm down hindi naman kita pababayaan" saad ni Henrich.



Lumapit si Henrich sa isang babae na naka uniform pang maid at may binulong dito. May itinuro yung babae tapos yumuko tanda ng paggalang.



Bawat hakbang namin ay mas lalo akong kinakabahan. Naririnig ko ang iilang tawanan. Mahinang pinisil-pisil ni Henrich ang kamay ko nang mabaling sa amin ang atensyon ng lahat ng tao. Lahat sila ay naka suit at dress habang ang kanilang tenga, leeg at mga kamay ay puno ng alahas na sumisigaw ng kayamanan.



"There you are my, dearest son" saad ng isang babae at lumapit kay Henrich saka binigyan ng beso.

"Who is she?" tanong ng babae habang nakatingin sa akin. Ngimiti ako sa babae at yumuko ng kaunti para mag bigay galang.

"She's my girlfriend, Sophia. Meet Emily, Gael's mom" pagpapakilala nito. Nawala ang ngiti ng babae dahil sa sinabi ni Henrich. Hindi ko alam kung saan siya nainis. Dahil ba sa hindi siya tinawag ni Henrich na "mom" or dahil ako ang GF ni Henrich.

"Hello po, nagagalak po ako na makilala ka" saad ko at ngimiti. Ngumiti rin sa akin ang babae at lumapit sa akin saka yumakap.

"Nice to meet you, Sophia" saad nito habang nakayakap sa akin. Inanyayahan niya kaming umupo sa mahabang lamesa at may iilang tao rin na nag uusap patungkol sa business.

"Henrich"



Napalingon kami ni Henrich sa isang matangkad na lalaki. May katandaan na rin ang hitsura nito pero hawig niya si Henrich. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at matikas na lumapit sa gawi namin ni Henrich. Tumayo rin ako at yumuko ng kaunti para magbigay galang. Tumingin lang saakin ang lalaki at muling tumingin kay Henrich.

"Mag usap tayo" saad ng lalaki. Hinawakan ni Henrich ang kamay ko at marahang pinisil. Pinisil ko rin ang kamay ni Henrich bago bumitaw sa pagkakahawak nito.

"Yes dad" saad ni Henrich. Naunang naglakad papalayo ang dad ni Henrich habang si Henrich ay nakasunod sa likuran ng ama niya.



Nakaupo lang ako sa table at bagot na bagot na minamasdan silang lahat. Panay ayos lang ako ng upo at tingin sa kanila na nag uusap-usap. Nang umupo ang babaeng nagngangalang Emily ay tumahimik.



"I would like to thank you all sa pagdalo sa anibersaryo namin ni Henry but before we celebrate, ipinapakilala ko sa inyo ang anak ko na si Gael" saad ni Emily at lahat kami ay lumingon sa itinuro ni Emily.



Pumasok si Gael na nakasuot ng puting suit at malaki ang ngiti habang nakatingin sa lahat. Nang magtama ang paningin namin ay nawala ang ngiti nito. Nag iwas ako ng tingin at yumuko. Nang maka-upo siya sa kaharap ng table ko ay umupo na kaming lahat.



Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now