CHAPTER 51

109 10 3
                                    

Dyn's POV

Narito ako sa silid at tinititigan si Sophia na natutulog. Limang na araw ang nakalipas at pansamantala silang tumuloy dito sa bahay namin. Sa apat na araw ay hindi rin nakapasok sa trabaho si Sophia. Wala si mom and dad dahil na sa business trip sila. Wala rin silang alam sa nangyari at hindi nila alam na nag tay sila Sophia rito. Sa nangyaring pagsunog ay wala akong idea kung sino ang gumawa nito.



Ang alam ko lang ay may nagsadyang sunugin ang bahay ni Sophia. Nabasa ko sa phone ni Sophia ang text mula sa unknown number. Alam kong may kinalaman ang taong 'yon sa lahat. 



I let out a sigh before lumabas ng silid. Pagbaba ko ay naroon sila Hera at pinapatahan si Scarlet na panay iyak. Pati si lola Flora ay walang tigil din sa pag iyak habang si Lucas ay seryoso ang mukha. Kakarating lang nila dahil doon sila nag stay kila Hera. Nagpupumilit daw ang mga ito na pumunta sa bahay nila pero nang makita nila ang nasunog na bahay ay walang tigil na sa pag iyak sina Scarlet at lola Flora.



"Kuya" saad ni Kathleen nang makababa ako.

"Ikaw na muna bahala sa kanila" saad ko kay Kath.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"May aayusin lang saglit. Babalik din ako agad. Pag dumating sila mom kung bakit nandito sila, sabihin mo na lang nangyari" saad ko at ginulo ang buhok nito.

"Paano pag hinanap ka ni ate Sophia?" tanong nito.

"Sabihin mo may pinuntahan saglit" saad ko at ngumiti saka umalis.



I texted my friend's number na on the way na ako sa meet up namin. Sumakay ako sa kotse ko at saka tinahak ang daan patungo sa restaurant.



Last night ay nakausap ko si Sophia. Habang nagkukwento siya ay nakaramdam ako ng lungkot. Paulit-ulit niya sinabing pinaghirapan niya ang lahat nang 'yon.



Nang makarating ako sa restaurant ay bumungad sa akin ang iilang customer na nag uusap-usap. Lumapit sa akin ang isang staff at sinabi na nasa VIP room ang friend ko. Sumunod ako sa staff at hinatid ako nito papasok sa VIP room. Pagpasok ko ay umupo ako sa table na naka reserve sa akin.



"Yo, bro!" saad ng friend ko na si Gabriel at tinapik ang balikat ko.

"Yo, sorry late" saad ko.

"It's fine, bro! Pero, sure ka ba sa gagawin mo?" tanong nito.

"Oo eh. Nangangailangan lang" saad ko.

"Dala mo?" tanong nito.

"Nasa parking lot. Dala ko yung papers" saad ko at nilabas ang papers sa bag ko.

"Ano ba rason bakit mo binebenta sa akin kotse mo?" tanong nito.

"Eh diba nangangailangan ka ng sasakyan ngayon? Sakto kakabili ko lang niyan nakaraang buwan. Wala pang isang taon sa akin yan, benta ko na sa'yo" saad ko.

"Ano gagamitin mo?" tanong ni Gab.

"Meron naman. Tsaka yung GF ko kasi nasunugan ng bahay. Wala akong alam na ibang way to help her" saad ko.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now