CHAPTER 16

149 20 1
                                    

"Hindi pantay, pantayin mo yan" utos ni Henrich kaya muli akong tumuntong sa upuan at pinantay ang frame na pinasabit niya sa akin.

"Ayan okay na ba?" tanong ko at nag thumbs up ito sa akin. Pagbaba ko ay tinignan ko ang frame na walang pinagbago. Kanina pa siya panay sabi na hindi pantay. SInabi niya pa na perfectionist daw siya kaya ayaw niya ng magulo. Buti sana kung maliit lang yung frame na pinasabit niya. Ang laki non at ang bigat pa.

"Wait" saad nito.

"Parang mas maganda kung doon natin ilalagay yang frame na yan." saad ni Henrich. Nanlumo ako sa sinabi nito at napatingin sa frame. Akmang magsasalita ako nang inunahan niya ako.

"Oh bakit? Aangal ka? Sinasahuran kita kaya wag ka magreklamo. Kunin mo yan at doon natin ikakabit sa kabila" saad nito at umalis. Wala akong nagawa kundi umakyat uli sa upuan at inabot ang frame. Nang maalis ko ito sa pagkakasabit ay binuhat ko ito papunta sa pwesto ni Henrich.

"Sabit mo" utos nito kaya sinabit ko rin ito.

"Sabihin mo kung pantay Mr. Perfectionist" saad ko. Nilingon ko siya at mukhang napansin nitong hindi ko na kayang buhatin ng matagal ang frame kaya sinabi nito na okay na.

"Next, lagay mo yung mga  vase. Ingatan mo, mahal yan" saad nito. Binuhat ko ang vase at nilagay sa kung saan niya tinuro.



Kanina pa ako umaga naglilinis dito sa bahay ni Henrich. Pagkatapos ng shift ko sa coffee shop ay hinatid na pala niya mga kapatid ko sa school. Si lola ay nandito rin sa bahay niya, nasa kwarto at tulog. Tinanggap ko rin kasi ang offer niya na magtrabaho ako bilang katulong sa bahay niya. Wala akong choice dahil palagi kong naalala ang nangyare sa akin sa club kapag pumapasok ako. Kahit sa store ay umali na rin ako. Coffee shop lang ang hindi ko inalisan dahil mas napalapit ako sa mga tao ron.



"Kuskusin mo yan" saad ni Henrich habang kumakain ng tinapay. Kanina pa siya panay utos habang pinapanood ako. Naalibadbaran na rin ako sa kanya.

"Dito naman" saad nito.

"Mop mo buong floor"

"Ayusin mo yan"

"Sa kusina"

"Lagay mo yan dito"

"Wag diyan, doon na lang"

"Doon linisin mo pa"

"Pati yan"

"Ligpitin mo rin ito"



Buong maghapon ay ayan ang narinig ko. Bagsak ang buong katawan ko na umupo sa sofa. Kung minsan ay sinasadya niya rin na madumihan ang parte na nilinis ko na. Nagtitiis lang ako dahil pinapasaya naman niya mga kapatid ko. Hindi sa gusto ko na pag gastosan niya palagi mga kapatid ko. Hindi ko naman siya pinipilit na gawin 'yon. 



"Oh bakit ka humiga diyan! Maligo ka nga, puro pawis ka! Kadiri" saad ni Henrich at pinaalis ako sa sofa.



Akmang aambahan ko siya nang samaan niya ako ng tingin. Yung tingin na binigay niya sa akin ay parang sinasabi niyang binabayaran niya ako. Hindi ko manlang expected na mas papahirapan niya ako.



"Pagtapos mo maligo ay magluto ka" saad nito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora