CHAPTER 9

153 16 0
                                    

"Sophia, pa serve sa table 30" saad ng katrabaho ko.


Kinuha ko naman ang tray at nagmamadaling i-serve sa table 30. Bakasyon ng mga iilang estudyante na tumatambay sa club kaya sobrang dami ng mga customer namin. Kanina pa ako paikot-ikot mag serve ng mga order.


Inilapag ko isa-isa sa table 30 ang mga order nila at nag thank you. Pabalik na ako sa counter nang may tumawag sa akin at nanghihingi ng panibagong alak. Lahat ng umo-order ay ninote ko at inabot sa counter. 


Habang nag lalagay ng mga order sa tray ay bigla na lang sumulpot si Gael sa gilid ko. Nakangiti ito sa akin habang pinapanood ako.


"Sipag natin ah" saad nito at sumimsim ng alak na nasa baso nito.


Hindi ko na ito pinansin at naglakad paalis para magserve. Sumusunod siya sa akin kada saan ako mag serve oh kaya naman kapag kukuha ng orders.


"May kailangan ka ba?" inis na tanong ko dahil naaabala niya ako.

"Naabala ba kita?" tanong nito.

"Hindi ba halata?" tanong ko. Pero ngumiti iton at lumabas ang malalim nitong dimples.

"Tabi" saad ko at bumalik sa counter.

"Gusto ka makausap ni Henrich" saad nito na ikinahinto ko.

"Para ano? Insultohin?" tanong ko. Tinuro niya si Henrich na nakatingin sa amin. Nakatayo ito sa sulok na wala gaanong tao.

"Hinihintay ka. Hihingi ng tawad" saad ni Gael kaya muli kong sinulyapan si Henrich.
Nagulat ako nang i-angat ni Hemrich ang middle finger niya sa akin at umirap sabay alis.

"Ayon ba ang hihingi ng tawad? Napaka bastos!" inis na saad ko at iniwan si Gael sa puwesto nito.

Ipinagpatuloy ko ang trabaho ko hanggang sa matapos ang shift ko. After ko sa club ay nilakad ko yung sakayan pa convenience store. Habang naglalakad ay nakaramdama ko ng kaba dahil pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin.


Lumingon ako pero wala naman ako napansing kakaiba maliban sa isang pulang kotse na nakaparada di kalayuan sa akin. May nakaparada ba ron kanina? Napailing na lang ako at pinagpatuloy paglalakad. Baka guni-guni ko lang.


Nang makarating ako sa sakayan ay nagmamadali akong sumakay nang mapansin ko nanaman ang pulang sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakalayo na rin ako. Kanina nakaparada 'yon, nakakapagtaka lang bakit hanggang sa sakayan ay nandon. Hindi ko lang makita sa loob ng sasakyan kasi tinted.


Pagdating ko sa store ay binati ako ni Diana. Tinanong niya pa ako bakit daw parang kinakabahan ako edi sinabi ko sa kanya na may sumusunod sa akin na pulang sasakyan.


"Oa mo naman, baka naman pagod ka lang, plus wala ka tulog" saad nito.

"Siguro nga" saad ko.


Bihira lang talaga bumibili sa store ng ganitong oras kaya nakakaantok pag wala gaano customer. Nagdaldalan na lang kami ni Diana hanggang sa matapos shift namin dalawa. Si Nika naman ay nakisali rin, maaga kasi siya pumasok, akala niya raw kasi late na siya.


After ng shift ko sa store ay dumeretso ako sa coffee shop pero pinauwi rin ako ni ma'am Victoria para pahupain ang issue kahapon. Wala na rin akong nagawa nang palabasin na ako. Lahat sila sabi mag off na lang daw ako at magpahinga. Binigyan din ako ng isang buong cake ni ma'am Victoria para raw sa akin at sa mga kapatid ko. Hindi naman malaki yung cake, parang bento cake siya.

Follow Your Heartbeat (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora