CHAPTER 19

142 19 3
                                    

Kanina pa ako paikot-iikot pero hindi ako makatulog. Paano ako makakatulog kung paulit-ulit na pumapasok sa isip ko yung nangyari kanina. Inis akong napa-upo at ginulo ang buhok ko. Napatingin ako sa wall clock at ala una na ng umaga. Tumayo ako at lumabas ng kwarto saka bumaba. Nakaramdam ako ng uhaw kakaisip sa nangyare kanina.


Dumeretso ako sa kitchen at binuksan ang refrigerator. Kinuha ko ang pitsel at naglagay sa baso ng tubig. Naka tatlong baso ako at binalik sa refrigerator ang pitsel. Pagsara ko ay napatalon ako sa gulat nang bumungad ang mukha ni Henrich. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa hiya.


"Excuse" saad nito at parang tuod na umusog ako ng kaunti. Kumuha ito ng pitsel at uminom din ng tubig.

"Bakit gising ka pa?" tanong nito nang maubos niya ang isang baso.

"A-ah ano, hindi ako makatulog. Nasanay ako na may work sa ganitong oras" pagsisinungaling ko. Napaatras ako nang humarap siya sa akin. Binuksan nito ang refrigerator sa likod ko at mas lalong nalapit ang katawan nito sa akin nang ipasok niya nag pitsel. Pigil ko ang paghinga ko nang maisara niya na ang pinto ng fridge.


Nagkatitigan kaming dalawa at bumaba ang tingin ko sa labi nitong mamasa-masa sa pag inom niya ng tubig. Napalunok ako ng ilang beses at muling tumingin sa mata ni Henrich. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan nito ang batok ko at hinapit palapit sa kanya. Naglapat ang labi naming dalawa. Umakyat ang init ng katawan ko sa mukha nang gumalaw ang labi nito. Hindi ako gumalaw at hinayaan ko siya na sipsipin ang ibabang labi ko. Dahan-dahan ang paggalaw ng labi niya. Mahinat at mapanukso niyang kinagat-kagat ang ibabang labi ko na dahilan kung bakit naibuka ko ang bibig ko. Kinuha niya nag tiyansang 'yon para ipasok ang dila nito. Napapikit ako nang libutin niya ang ang loob ng bibig ko.  Nasundan ko ang ang paggalaw ng dila niya kaya ginaya ko ito. Ngumiti siya sa pagitan ng halik naming dalawa at hinawakang ang magkabilang kamay ko saka inilagay sa batok niya.


Ang mga kamay niya ay napadpad sa bewang ko paakyat sa likuran ko at mas idinikit ako sa kanya. Ginaya ko ang paggalaw ng labi at dila niya at mas pinalalim ang halikan naming dalawa. Nang maubusan kami ng hininga ay naghiwalay ang mga labi namin. Parehas na mabigat ang paghinga naming dalawa habang magkatitigan. Niyakap niya ako ng mahigpit at marahang hinaplos ang buhok ko.


"Bro"


Mabilis kaming naghiwalay ni Henrich nang marinig namin ang boses ni Marco. Palipat-lipat ang tingin ni Marco sa amig dalawa ni Henrich at biglang ngumiti nang makahulugan. Umubo ito ng peke at sinindi ang ilaw.


"Ano ginagawa niyo?" tanong ni Marco.

"Uminom" simpleng saad ni Henrich habang nakakuyom ang mga kamay.

"Ah, bakit hindi niyo sinindi ilaw? Akala ko tuloy magnanakaw ng halik" saad ni Marco pero hindi ko na narinig ang huling sinabi nito.

"Mauna na ako" saad ko at nagmamadaling umakyat sa kwarto. Dali-dali akong humiga at napahawak sa labi ko.


Sa hindi malamang dahilan ay nainis ako sa biglaang pagdating ni Marco. Iba yung pakiramdam ng halik ni Henrich. Nagtataka ako bakit hindi ko manlang siya tinulak or what gaya kay Gael. Kung tutuosin ay gusto ko pang ituloy.


Inis kong hinampas ang ulo ko at napadaing sa sakit. Kung ano-anong naiisip ko. Anong gusto pa? Pano na 'to bukas? Nakakahiyang humarap sa kanya. Baka asarin niya ako na pumayag ako na halikan niya ako. Paano kung pinagtitripan niya lang ako para may maipang asar siya bukas?


Bangag na bangag akong tumayo at nag ayos sa sarili. Naglinis ako sa katawan at ininit lahat ng natirang handa kahapon. Alas kwatro pa lang ng umaga  at paalis na ako ng bahay na walang tulog. Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyare sa amin ni Henrich sa kusina.


Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon