CHAPTER 35

118 12 6
                                    

2 days passed at ngayong araw ang uwi namin ni lola sa pilipinas. Kahit anong message at tawag ko kay Yasmin ay hindi siya sumasagot. I called Hera yesterday to pick me up pag uwi namin ni lola sa pilipinas. Hera told me everything at masasabi kong hindi nagsisinungaling si Yasmin dahil pati si Hera ay sinabi rin sa akin na wala na si Henrich.



Nakailang tawag daw siya sa akin nakaraang taon pero unreachable. Pinilit niya raw si tita para makausap ako pero ayaw ko raw. Panay iyak lang ako at biglaang nag book ng flight pauwi sa pilipinas. I explained to Mr and Mrs. Thompson ang reason ko at naintindihan naman daw nila. Nangako rin ako na babalik ako.



"Why so sudden, Sophia?"tanong ni Jamaicah habang ang mata nito ay nanunubig at ganoon din si Vanessa.

"I have to go, Jam. Something bad happen and I need to confirm it" saad ko at pinahid ang luha ko.



Nagyakapan kaming tatlo at nagpaalam sa isa't isa saka ako umalis sa hospital. Nag resign ako at mabilis ko naman naasikaso dahil sa connections na meron ako kila Mr and Mrs. Thompson. Si lola ay nalungkot nang ibalita ko rin sa kanya na wala na si Henrich. Sobrang bigat.



Nang makauwi kami sa bahay ay nakaligpit na ang lahat ng gamit. Ang Nutritionist ay kasama sa pag uwi sa pilipinas. Hindi ko man nasabi pero pilipina ang nutritionist ni lola.



"Naligpit ko na po ang lahat ng gamit ma'am maliban po sa iilang private na mga gamit mo po" saad ng nutritionist.



Umakyat ako at kinuha ang mga kailangan kong dalhin. Binuksan ko ang isang box at bumungad sa akin ang necklace at bracelet na binigay sa akin ni Henrich. Hinawakan ko ito at tahimik na umiyak. Unti-unting namasa ang mga mata ko habang nakatitig sa iba pang mga ala-ala naming dalawa. Kinuha ko ang mga litrato at isa-isang tinignan. Lahat ito ay ang celebration namin tuwing monthsary. Narito rin ang sd card na tinanggal ko noon at yung sim card ko.



Dali-dali kong kinuha ang phone ko at inilagay ang sim card at sd card ko noon. Nag pop-up ang lahat ng missed calls at messages mula kay Henrich. Mas lalong nagsi-tuluan ang luha ko at isa-isang binasa ang mga mensahe nito. Halos ang iba ay paulit-ulit na sinasabi niya sa akin na bumalik ako at nasaan ako para mapuntahan niya ako. Mga tanong na bakit ko siya iniwan at ano ang dahilan.



I opened my old social media account at doon ako mas napaiyak ng sobra nang makita ang mga messages ni Henrich at may mga voice record ito na umiiyak. Nagmamakaawa ito na bumalik ako sa kanya.



Ilang oras ang ginugol ko para mapakinggan at mabasa ang lahat ng mensahe mula sa kanya. Ang natitirang voice record mula sa kanya ay tatlo na lang. Ang tatlong natitira ay nakaraang taon niya lang sinend sa akin.



"Sophia..." napapikit ako nang muling banggitin niya ang pangalan ko.

"I need you right now...I-I'm...I-I'm scared" saad pa nito. Bakas sa boses niya ang pag-iyak at nanginginig.

"I'm sick...my doctor said I only have 3 months to live" saad nito na nagpadurog lalo sa dibdib ko. Tuloy-tuloy ang pag bagsak ng mga luha ko nang banggitin niya 'yon.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now