CHAPTER 22

165 21 1
                                    

Apat na araw na ang lumipas at araw-araw ay nag-iiba ang kinikilos ni Henrich. Si Yasmin ay uuwi na rin next month sa kanila. Umalis pala ito noong nakaraang dalawang taon at nito lang nakabalik.



Nandito ako sa bahay na inuupahan namin at nakatingin sa box na dumating sa akin kanina. Idineliver ito at nakabalot sa asul na gift box. Napatingin ako kay lola na nakatingin sa akin. Umungol ito at itinuro ang box na para bang sinasabi niyang buksan ko ang box. Napabuntong hininga ako saka lumapit kay lola at inayos nag pagkaka-upo nito. Binuksan ko sa tabi niya ang box ang bumungad sa akin ang isa nanamang box. Sa ibabaw nito ay may sulat mula kay Henrich.



"Wear this dress tonight"



Yan ang nakasaad sa sulat. Napakunot ang noo ko at tumingin kay lola na todo makangiti. Halos mapunit ang labi nito kakangiti kaya napailing ako na binuksan ang box. Simple ang design dress pero elegante tignan. Itinapat ko ito at saktong sakto naman sa body frame ko. Ngumiti si lola nang itapat ko sa akin ang dress. Kinuha ko pa ang sandals na kapartner nito at sinukat. Sakto lang din sa paa ko. Ang ganda sobra.



Hapon na at galing ako labas para kunin ang sweldo ko sa coffee shop. Medyo nakakaluwag-luwag na rin kami dahil na rin sa tulong ni Henrich. Kung minsan di ako nahihirapan mag budget sa kakainin namin dahil minsan ay doon na kami kumakain kila Henrich.



"Lola lalabas lang ako bahay ha" saad ko at inayos pagkakahiga niya bago lumabas. Dumeretso ako kila ate Nerry para bayaran ang kalahati sa utang ko.



Pagkarating ko sa harap ng bahay nila ay nahinto ang mga nagchichismmisan sa pag uusap nang makita ako. Hindi ko na sila pinansin at nagtawag sa harap nila ate Nerry.



"Tao po" saad ko. Lumabas si ate Nerry na may patong na tuwlya ang katawan nito.

"Ay nako! Wala! Hindi mo ako mauutangan ngayon! Alis!" saad nito kahit pa hindi pa naririnig ang sasabihin ko.

"Babayaran ko ho ang kalahati ng utang ko" saad ko. Umaliwalas ang mukha nito at dali-daling lumapit sa akin.

"Asan? akin na" saad ni ate Nerry kaya inabot ko sa kanya ang anim na libong naipon ko nitong nakaraan.

"Ikaw talaga! Oo nga pala. Sino yung tatlong lalaki madalas pumunta sa inyo nakaraan? Mga manliligaw mmo?" tanong nito.

"Ah, ma kaibigan ko po. Katrabaho" saad ko at ngumiti.

"Baka single isa sa kanila. reto mo naman ako. Ang popogi eh" saad ni ate Nerry na ikina ngiwi ko. Byuda si ate Nerry at may tatlong anak. Ang isa ay nag-aaral sa high school tapos yung dalawa ay elementary.

"Tanong ko po muna kung single sila" saad ko at ngumiti.

"Oh sige! Ingat pauwi" plastik na saad nito kahit na katapat ko lang ang bahay nito. Napailing na lang ako at bumalik sa bahay. Tulog pa rin si Lucas at Scarlet, napagod siguro sa event sa school nila kaya ganyan na lang ka himbing ang tulog nila.



Nagluto ako ng ulam nila at nagsaing na rin para pag gising nila ay kakain na lang. Muli akong napatingin sa upuan kung saan nakalagay ang dress na pinadala ni Henrich sa akin. Napailing na lang ako at tinapos ang pagluluto.



Nang maluto ang pagkain ay ginising ko ang dalawa para kumain. Si lola naman ay pinalitan ko ang posisyon nito sa pag higa. Nilagyan ko ng dalawang unan ang likuran niya para maangat kahit papano. Ganito ko siya pinapakain kapag nasa kama siya.



After ko pakainin si lola at kumuha ako ng plato ko para kumain din sana nang may kumatok sa pinto. Binuksan 'yon ni Lucas at tumambad sa amin si Henrich na nakaayos. Ang maaliwalas nitong mukha ay nalukot nang makita ako.



Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now