CHAPTER 50

119 12 8
                                    

Narito ako sa bahay at nag aayos sa sarili. Marco and Hera invited us to an event at their place pero wala akong idea kung anong event ang sinasabi nila Marco. Ang sabi nila ay hindi naman daw maraming tao ang pupunta dahil tanging kami lang magkakaibigan lang daw ang pupunta. Sinabi rin nila Hera na isama sila Lucas, Kathleen, Dyn at Scarlet kaya sinabihan ko silang lahat. Sila Dyn ay susunduin daw kami at sabay-sabay na kami pupunta ron. Si lola ay una kong binihisan at nauna siya sa baba.



Pinili kong isuot ay ang simpleng nude off shoulder dress na above the knee at pinaresan ito ng flat sandal na kakulay ng skin ko. Nag apply ako ng light make up at ginawang bun ang hair ko. Nag apply rin ako ng perfume at nagdala ng shoulder bag saka bumaba.



Nang makababa ako ay bumungad sa akin si Lucas na nakasuot ng simpleng long sleeve at pants samantala naka dress naman si Scarlet.



"Tagal mo" saad ni Scarlet at umirap.

"Bad yan Scarlet, inaaway mo si ate mo" rinig kong bulong ni Kathleen. Hindi ko napansin ang oras at narito na rin pala sila Dyn. Ako na lang din ang hinihintay nila kaya nang makababa ako ay lumabas na kami ng bahay.



Wala ang tatlong maid namin dahil pinag bakasyon namin sila pero ang nutritionist ni lola ay isasama na lang din namin papunta kila Hera.



"Tara na" saad ni Dyn at hinawakan ako sa balikat saka inalalayan na makasakay.



Si lola ay inalalayan niya rin makapasok. Sa amin sila sasabay ni Dyn kasama ang nutritionist samantala magkakasama naman sila Kathleen, Lucas at Scarlet.



Tahimik lang kami sa biyahe at kung paminsan ay kinakausap ko si lola. Nakatanggap din ako ng message mula kay Hera at tinatanong kung nasaan na raw kami. Sinabi ko na lang din sa kanya na papunta na kami.



Halos thirty munites kami bumiyahe dahil sa traffic at sa wakas ay nakarating na kami kila Hera. Tahimik ang paligid at mukhang wala namang event talaga. Ang mga sasakyan na nakaparada sa harap nila Hera ay iilan lang din. Pamilyar sa akin ang ibang sasakyan na nakapark at halos pag aari nga ng mga kaibigan namin. Natanaw ko rin ang sasakyan ni Yasmin kaya sure ako na nandito siya.



Inalalayan ako ni Dyn na makababa at ganon din ang ginawa nito kay lola. Kinuha ko ang wheelchair ni lola samantala si Dyn ay binuhat si lola at inupo niya 'yon sa wheel chair.



Naunang pumasok sa loob sila Scarlet at sumunod na lang kami. Pag pasok namin ay bumungad sa amin ang malakas na tawanan mula kay Cairo at Brylle. Sinamahan kami ng mga maid papunta sa dining room kung nasaan sila.



Lahat sila ay napatingin sa amin nang makapasok kami ni Dyn. Tumahimik sila at halos lahat ay hindi maalis ang tingin nila kay Dyn. Lahat kami ay aware patungkol sa kung kanino nanggaling ang puso ni Dyn.



"Sophia, Dyn!" pag tawag ni Yasmin.

"Lola Flora!" pag tawag ni Hera at yumakap ito kay lola.

"Anong meron guys?" tanong ni Gael na kakababa lang.



Huminto ang tingin nito kay Dyn dahilan para mawalan ng gana si Dyn. Pansin ko sa mukha ni Dyn na ayaw niya kay Gael. Hindi sila magkasundo kagaya na lamang noon kay Henrich at Gael.



Umupo kami sa hapag at pinakiramdaman ang paligid. Medyo nag aalala ako kay Dyn dahil magkatapat sila ng pwesto ni Gael samantala ang katapat ko ay si Brylle.



"So nandito naman na ang lahat" saad ni Hera at ngumiti.

"May balita kami ni Marco sa inyo" saad ni Hera at hinawakan nito ang kamay ni Marco.

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon