CHAPTER 13

138 19 0
                                    


Napangiwi ako nang makita ang dalawang babae na kandong ni Cairo sa magkabilang hita nito. Maging si Brylle ay may mga babaeng nakapalibot dito. Mga babaero talaga.



Patuloy ako sa pag serve dahil marami ang customer ngayon. Kanina pa ako pabalik-balik din sa table nila Gael dahil panay ang pag iinom nila. Mula kaninang alas otso hanggang ngayon alas diyes ng gabi ay nagiinom pa rin sila. Ang titibay ng mga atay ng mga 'to. Curious nga ako kung may mga trabaho ba sila dahil pag umaga nakatambay sa coffee shop, pag dating ng tanghali ay may race daw sila. Tapos sa gabi nakatambay sa club. Buti pa sila sarap buhay no. Ang unfair ng mundo.



"Sophia, isa pa" saad ni Brylle kaya ninote ko yung order nila at nagkuha pa ng mga order sa mga bagong dating. Pagkatapos ay kinuha ko mga order at isa-isang sinerve sa mga table. Hinuli ko sila Gael dahil kilala ko naman. Wag na sila aarte, maraming customer. Meron pa naman silang alak sa table nila.



Pagkaserve ko sa table nila Gael ay pansin ko na hindi inaalis ni Henrich ang mata nito sa akin mula kanina. Si Marco ay tahimik at parang walang pake sa paligid. Hindi rin nito pinapansin ang mga babae na panay papansin sa kanya.



After ko maserve yung mga order ay bumalik ako sa counter. Nakakapagod, gusto ko na magpahinga. Andaming tao compare nakaraan. Marami naman nakaraan pero mas dumami ngayon. Halos karamihan ay bata pa at ka age ko. Meron din iba na matatanda na.



Nahinto ako sa panonood sa mga tao nang makaramdam ako ng pangangalabit. Napatingin ako sa likod ko at napangiti nang makita si Gael sa likod ko. Tinanong kung may gusto ba siyang inumin pero umiling ito.



"Pwede ka ba shdgdk ahsjsk"

"Huh?" tanong ko nang hindi maintindihan ang sinasabi nito dahil sa lakas ng music.

"Sabi ko laohsgso agsukhsi"



Kinunotan ko ito ng noo pero napa buntong hininga ito saka ako hinila palayo sa club. Naglalakad kami papasok sa private rooms at binitawan niya rin ako.



"Gusto kita makausap. Pwede ba kung ayos lang sa'yo?" tanong nito.

"Oo naman. Ano ba pag uusapan natin?" tanong ko.

"Pasok tayo sa loob, baka may makarinig" saad nito at hinila ako papasok sa loob ng room.



Nang makapasok kami ay sinara niya ang pinto at sinandal ako. Malalim ang bawat paghinga niya habang nakatingin sa akin.



"Ano pag uusapan natin?" tanong ko.



Inilapit nito ang kanyang mukha sa leeg ko na nagpataas ng balahibo ko. Bigla ko napagtanto kung nasaan kami at kung ano ang posisyon naming dalawa ngayon. Napalunok ako ng ilang beses at tinulak si Gael pero tumawa lang ito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now