CHAPTER 7

192 17 0
                                    

"Mauna na ako" saad ko sa mga katrabaho ko saka lumabas ng club. Paglabas ko ay tinahak ko ang daan putungo sa sakayan.

Habang naglalakad ako ay may humintong motor sa gilid ko. Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa motor. Nakasuot ng itim na jacket at itim na pants yung driver. Tinanggal nito ang suot niyang helmet at hinawi ang buhok na humarang sa mukha niya.

"Hop in" saad nito.

"Hindi na" nahihiyang saad ko.

"Dadaan din ako convinience store bibili chips and soda" saad ni Gael.

"Hindi na, ayos lang ako" saad ko.

"Tinatanggihan mo offer ko?" saad nito at mahinang tumawa. Ganyan galawan ng fuckboy eh. Pero mukha naman siyang mabait. Parang fuckboy lang gumalaw.

"Anong tingin yan? Hindi kita kakainin kalma" saad nito at nag bukas ng bubble gum saka ngumuya-nguya. Napatingin ito sa relo na suot niya at tumingin uli sa akin.

"Tumatakbo oras, Sophia" saad nito. Dahil wala akong choice, nahihiyang sumampa ako sa motor niya.

"Baba" saad nito.

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

"Bumaba ka" saad nito. Inis akong bumaba at hinambas ng malakas ang likod nito. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ko ay napadaing ito at nailuwa ang bubble gum na nginunguya niya.

"The fuck?!" gulat na saad nito.

"Pinag titripan mo ba ako? Papasakayin mo ako tapos papababain?" inis na saad ko.

"No! Pinababa kita kasi nalimutan mo magsuot ng helmet" saad nito na mas ikinahiya ko. Hindi ako umimik at pinanood siya buksan ang U-box sa motor niya at kinuha ang helmet. Inangat niya ang ulo ko at isinuot sa akin ang helmet.

"Sakit ng hampas mo. Humiwalay kaluluwa ko ng isang segundo" natatawang saad nito.


Hindi ako umimik at umangkas sa kanya. Feeling close ko na tuloy. Hindi ko naman siya close pero nakikisakay ako. Worst ay napahiya pa ako.

"Kumapit ka kung ayaw mo mahulog" saad nito. Humawak ako sa bakal sa motor niya at pinaandar na rin niya ang motor.


Tahimik kami pareho buong biyahe. Pasulyap-sulyap din siya sa akin mula sa side mirror. Kapag nagtatama mata namin ay ako ang unang umiiwas. Nahihiya ako ng sobra. Ako na nga nakisakay ako pa nanakit. Kasalanan din naman niya, hindi niya sinabi ng maayos.



Pagkarating namin ay bumaba na agad ako. Nauna akong pumasok sa loob ng convenience store at nagpalit ng uniform. Paglabas ko ay nahagip ng mata ko si Gael na pumipili ng chips na bibilhin. Napansin ata niya na may nakatingin sa kanya kaya nagtagpo uli mga mata namin. Ngumiti siya saka lumapit sa akin.

"Alin ba mas okay sa dalawa? Ito or ito?" tanong niya at pianapili ako sa dalawang magkaibang chips na hawak niya.

"Bilhin mo pareho, mayaman ka naman" saad ko at pumunta sa counter.


Agad na dumikit sa akin si Diana at siniko ako. Binigyan niya ako ng kakaibang tingin habang umaangat baba ang kilay.

"Bf mo?" mapanuksong tanong nito.

"Wala akong panahon para diyan" saad ko.

"Oh bakit nakikiangkas ka ehh hindi mo naman pala jowa?" tanong ni Diana.

"Alam mo, ang issue mo. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang?" tanong ko.

"Sophia" rinig kong tawag ni Gael sa akin. Tumingin ako sa kanya at may tatlong drinks siya na hawak.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now