CHAPTER 31

115 16 6
                                    

Sophia's POV


Kagagaling ko lang sa school ni Amelia at naglinis ako ng bahay pagkabalik. Dito na rin ako nag i-stay sa kanila bilang babysitter ni Amelia at katulong na rin. Minsan ay inaaral ko mga dish na nakasanayan nila, madali na lang sa akin na aralin dahil kahit papano ay naapply ko naman ang naaral ko hanggang 2nd year college.



Mabilis lumipas ang araw at tatlong buwan na ako rito sa California. Hindi ko pa rin nakakausap ang mga kapatid ko pati na rin si Hera pero nagpapadala pa rin ako ng pera sa mga kapatid ko kada sahod. Si lola naman ay maayos ang kalagayan. Nakakapag ipon-ipon na kami ni tita para sa surgery ni lola. Sa totoo niyan ay tumutulong na rin mag ipon pampagamot kay lola yung panganay na anak ni tita Mabel. Yung naiiwan na pera para sarili ko ay nadaragdagan na rin.



Si Henrich ay wala akong balita sa kanya. Lahat ng connection ko sa pilipinas ay inalis ko. Wala akong balita sa lahat maliban kay Hera at kila Scarlet. Si Hera at minsanan na rin tumawag hindi gaya noong kakarating lang namin dito ni lola ay araw-araw siya tumatawag kay tita.



"Sophia, come here" saad ni Mrs. Thompson. Katabi nito ang asawa niya na nakatutok sa diyaryo.

"Yes Ma'am?" tanong ko.

"I want to talk to you regarding to your family. Your aunt told us that you have siblings left in the Philippines and you're paying for their tuition using the money you earn from your job. Where are your parents?" tanong nito.

"A-Ah...Ma'am, our father left us when mom died po" saad ko at mapait na ngumiti.

"Where is your Dad? It's his responsibility to support his own children financially" kunot noong tanong nito.

"He has a new family na po eh" saad ko at ngumiti.

"What about your siblings? Where do they live?" kunot noong tanong nito.

"They live with my friend temporarily po ma'am" saad ko.

"You can bring your siblings here within 9 months, Sophia. Are you planning to take them? You can create a fresh start here together with your siblings" saad nito pero umiling lang ako.

"No po ma'am. I am planning to return to our country po. I want to finish my study there eh" saad ko.

"Oh! Is that so? You can study here, Sophia. Which program are you going to take if you continue to study again?" tanong nito.

"Actually ma'am, I studied Hospitality Management for only 2 years. I stopped po because we're lack of financial support. That time when I was in a sophomore, my grandmother was diagnosed with cerebral vascular accident. I had to stop and find a job to support my siblings needs and other expenses" saad ko.

"Do you want to study here while working, Sophia?" tanong ni Mr. Thompson pero umiling ako.

"I can't afford po ma'am eh" pag amin ko.

"You can study here without paying anything. We will take care of it" saad ni Mr. Thompson at tumango-tango naman si Mrs. Thompson bilang pag sang ayon.

"P-po? Isn't it too much?" tanong ko pero ramdam ko amg saya sa sinabi nito. Umiling sila bilang sagot at ngumiti.

"You can apply scholarship to lessen the tuition fees and we will take care of the other expenses" saad ni Mr. Thompson.

Follow Your Heartbeat (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu