CHAPTER 11

163 19 0
                                    

"Ate Hera" bungad ni Scarlet at nagpabuhat agad kay Hera.

"Wow naman big girl na ang Scarlet namin!" saad ni Hera kay Scarlet na karga-karga niya.



Si Lucas naman ay hindi makatingin kay Hera. Si Lucas kasi crush yan si Hera, nag confess siya dati pero sinabihan siya ni Hera na magpalaki muna.



"Aww, ayaw sa akin ni Lucas. 'Di ako sinalubong" saad ni Hera.

"Malaki ka na" saad ni Lucas kaya nagkatinginan kami ni Hera.

"Kabahan ka na. Baka sineryoso pagbibinata" natatawang saad ko.

"Loko ka bes" saad ni Hera at tumingin sa labas kung  saan si Lucas.



Tinulungan ako ni Hera na ilabas si lola sa wheel chair niya. Malaki ang bag ko dahil may damit ni Scarlet at ni Lucas. Baka kasi pag pawisan sila kakalaro mamaya. Pati mga gamit ni lola ay nandito kasama mga gamot niya. Marami akong dala incase na may emergency.



Pupunta kami sa park para pumasyal saglit. Sa totoo lang ay kakaunti lang tulog ko. Sobrang nakakapagod araw-araw. Wala akong maayos na pahinga kahit sa umaga hanggang hapon dahil binabantayan ko rin si lola. Yung sahod ko sa tatlong work. 1,890 sa isang araw. Kung free lang schedule sa club mula 6pm hanggang 9am, hindi na ako maghahanap ibang trabaho. Kaso lahat ng schedule ay available. Malaki rin naman kinikita ko pero hindi sapat.



Nag grab kami ni Hera para maisakay si lola at kumportable buong biyahe. Buong biyahe ay napakadaldal ni Scarlet. Kinukwento niya kay Hera na magaling siya sa school at marami siyang stars. Gusto raw nito maging pulis paglaki at huhulihin niya raw si kuya Lucas niya. Pasaway talaga.



"Tapos ate Hera si ate Sophia ko may boypren na po pumunta nakaraan sa bahay tapos binigyan kami laruan" pagkukwento ni Scarlet kaya napaubo ako.

"Bes, ano 'yon ha? Ikaw ha" saad ni Hera.

"Loko, pati bata pinaniniwalaan mo" saad ko.

"Sophia, hindi nagsisinungaling ang mga bata" saad ni Hera.

"Nagkamali lang pagkakaintindi si Scarlet. Kaibigan ko lang 'yon. Tsaka anak siya ng may ari nung pinag tatrabaho-an ko" saad ko.

"Ah tlaga ba?" mapanuksong saad ni Hera.

"Akala ko pa naman magkaibigan tayo, bakit yung isa diyan may jowa. Akala ko pa naman tatanda tayong dalaga" dagdag pa nito.

"Loko ka, ako? Magkakajowa? Priority ko sila Scarlet" saad ko.

"Oo na" saad ni Hera.




Isang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay nakarating na kami. Nag hanap kami ng puwesto at naglatag ng tela saka nilapag mga gamit namin. Kumain kami saglit at nagsimula na magtatakbo si Scarlet. Sinundan naman ito ng kuya niya at binantayan.



"Hi lola Flora" saad ni Hera at hinawakan ang kama ni lola.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now