CHAPTER 48

116 11 5
                                    

Isang buwan ang lumipas at halos maraming nagbago lalo na sa amin ni Monique.


Break time namin ni Monique pero hindi ito sumabay sa akin. Palagi na rin kami hindi nagkakasabay tuwing breakfast at hindi na rin niya ako gaano kinakausap. Kapag nga nagkakasalubong kami ay iniiwasan na rin niya ako.


Narito ako ngayon sa isang restaurant kasama sila Yasmin, Hera at Marco. Bumisita sila sa akin at nag aya sila na kumain. Si Hera at Marco ay mag date raw sana kaya lang hinigit daw sila ni Yasmin. Pansin ko rin ang panay pag irap ni Yasmin habang inaasar siya nila Marco at Hera.


"C'mmon guys! Hindi yan ang rason bakit ko kayo pinapunta rito!" saad ni Yasmin.

"Yasmin umayos ka nga. Ang arte-arte mo" saad ni Marco.

"Dati pa ako ganito, ngayon ka lang nag reklamo" saad ni Yasmin.

"Order muna tayo" saad ni Hera.


Nagsi-pag order kaming lahat habang si Yasmin ay walang tigil kakadaldal. Panay tawa lang kami nila Hera habang pinapakinggan mga reklamo ni Yasmin. Ibang level talaga kamalditahan ng babaeng 'to.


Inabot ng sampung minuto bago na-i-serve ang mga order namin kaya mainit ang ulo ni Yasmin. Pati yung waiter ay sinabihan niya na gusto niyang kausapin yung taga luto ng pagkain. Natatagalan daw siya. Poor daw ang service ng restaurant nila.


Inawat ni Marco si Yasmin at kinausap ang waiter na pagpasensyahan na lang si Yasmin.


"Hayy nako! Nakakabadtrip ang araw na ito!" saad ni Yasmin.


Kumain na kaming lahat at siyempre nag iingay pa rin si Yasmin. Marami siyang sinasabi pero isa lang ang nakapag papukaw sa akin.


"Bakit ba ang init ng ulo mo. Ano ba meron?" tanong ni Marco.

"Death Anniversary ni Kuya Henrich. Mukhang wala sa inyo ang naka alala" saad ni Yasmin dahilan para mapahinto ako.

"Ngayon ang death anniversary niya?" tanong ko.

"Isa ka pa. Hindi mo alam death anniversary ni kuya Hen. Nako magtatampo talaga 'yon!" saad ni Yasmin.


Lahat kami ay natahimik at kumain na lang. Palaging hindi nawawala sa isip ko si Henrich pero hindi ko alam kung kelan siya saktong nawala. Sa totoo nga ay hindi ko siya binibisita sa puntod niya. Huling punta ko ron ay noong makabalik ako rito sa pilipinas. Isang beses lang ako pumunta.


Inubos na namin ang mga pagkain na inorder namin bago kami nagsipag paalam. Unang umalis si Yasmin dahil may pupuntahan pa raw ito. Sila Marco naman ay nanlibre sa foods. Binayaran nila lahat ng kinain namin at saka ito nagpaalam. Tumingin ako sa wrist watch ko at saka bumalik sa hospital.


Pagpasok ko pa lang sa hospital ay nakasalubong ko si Monique na nakikipag tawanan sa isa pang babae na kapwa nitong surgeon. Pansin ko na masaya si Monique sa ibang tao pero sa akin ay galit ito. Alam ko naman 'yon. Tsaka alam ko rin na ganyan ugali ni Monique. Ayaw niya kapag nakikita niyang mali ang ginagawa mo. Pero wala naman mali sa ginawa ko eh. Binuksan ko lang uli ang puso ko. Pinalaya ko lang ang sarili ko sa nakaraan.


Inantay ko na tumingin sa akin si Monique pero dinaanan lang ako habang patuloy ang pakikipag usap sa babae. Ni isang sulyap ay wala. Dumaan lang talaga siya na parang hindi ako kilala.


Pumunta ako sa office ko at tumawag sa head para ipaalam na halfday lang ako. Actually nagpaalam na ako nung isang araw pero need ko lang inform uli yung head, baka kasi makalimutan.


Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon