CHAPTER 10

169 19 0
                                    

"Hi"


Napahinto ako sa paglalagay ng mga alak nang sumulpot nanaman si Gael. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko rin siya. Nasasanay na lang ako sa ka-epalan ni Gael. Kahit saan sumusulpot siya. Apat na araw na lumipas mula nung pumunta si Henrich sa amin. Napag alaman ko na sinabihan pala siya ni ma'am Victoria na humingi siya ng tawad sa akin. Humingi nga siya ng tawad, napilitan lang naman. Napag alaman ko rin na magkasing edad lang kami ni Henrich pero kung mag isip parang grade 3.



"Free ka ba sa tanghali?" tanong ni Gael.

"Hindi eh, pahinga ko 'yon tsaka walang magbabantay sa lola ko" saad ko.

"Aayain sana kita manood sa laban ko mamaya, sayang" saad nito.

"Laban?" tanong ko.

"Oo, drag race" saad nito at lumagok ng alak.

"Ano mapapala ko ron?" saad ko na ikinatawa nito.

"Seriously, Sophia? Alam mo kailangan mo mag enjoy kung minsan" saad nito.

"Kung may time lang ako, mag eenjoy ako Gael" saad ko.

"Asan ba parents mo? Bakit hinahayaan ka nila na ganyan?" tanong nito.

"Matagal na silang wala. Ako na tumatayong magulang sa mga kapatid ko" saad ko.

"Mamaya na ulit ha. Serve ko lang 'to" saad ko at tinanguan niya lang ako.



After ko i-serve yung mga order ay bumalik ako sa counter. Nahagip ng paningin ko si Henrich na masamang nakatingin kay Gael. Bakit ba parating masama loob ng isang 'to? Seryoso siya nakatingin kay Gael eh.



Nang magtama ang paningin namin ay ngumisi ito sa akin at itinaas nanaman ang middle finger nito sabay buga ng usok mula sa vape. Naiiling akong humarap kay Gael na nagsimula nanaman mag kuwento. May saltik ata si Henrich eh. Autistic ba siya?



"Gusto mo ipabantay natin lola mo? Nood ka sa laban ko?" tanong ni Gael.

"Importante ba yan?" tanong ko.

"Gusto ko lang na nandon ka" saad nito.

"Hindi ako pwede eh. Aalis din ako bukas" saad ko.

"Saan?" tanong nito.

"Dadating friend ko eh" saad ko.

"Sa susunod na lang siguro no?" saad nito.



Hinayaan ko na si Gael at nagpatuloy sa pag serve. Babalik na sana ako sa counter nang may humawak sa braso ko. Tinignan ko ng maigi si Henrich at binugahan ako sa mukha ng usok mula sa vape niya.



"Kuha mo ako ng pinaka matapang na alak" saad nito habang nakatingin sa malayo.



Himalang hindi niya ako inaway. Hinayaan niya lang ako na makaalis at nang ma-i-serve ko sa kanya yung alak ay hindi na rin ako nito pinansin. Patuloy ako sa pag serve at nalibot ko buong club pero hindi niya ako inaway. Nakakailang order na siya pero hindi niya rin ako iniimik. Mabuti na 'yon at matatahimik buhay ko. Ayaw ko rin ng gulo.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now