CHAPTER 38

127 15 8
                                    

Maaga akong gumising at inasikaso ako agad ng dalawang katulong dito sa bahay. Nakapag handa na sila ng umagahan at ang nutritionist naman ay pinapakain si lola.



"Pakigising sila Lucas. Sabihin na kakain na" saad ko.



Umupo ako sa table at hinintay na makababa ang dalawa. Nang makababa na sila ay kanya-kanya silang umupo sa pwesto sa kani-kanilang upuan. Kasama rin ang GF ni Lucas na si Kathleen. Kung minsan ay pinapa stay siya ni Lucas dito pero hinahayaan ko na lang as long as hindi sila gumagawa ng bagay na hindi ko magugustohan. Mga bata pa sila.



"Kamusta pag aaral niyo" tanong ko at nagsimulang kumain. Ang dalawang katulong ay nilagyan nila ng pagkain ang plato ng mga kapatid ko pati sa GF ni Lucas.

"Ayos lang" tipid na saad ni Lucas at pinagpatuloy ang pag-kain.

"Kapag na maintain mo grades mo Lucas. Ibibigay ko yung unit na gusto mo" saad ko. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita kong ngumiti ito ng maliit kahit papaano.

"What about me naman?" saad ni Scarlet.

"Itutuloy ko ang pool party sa resort na gusto mo para sa'yo at friends mo. Monthly yan" saad ko. Umaliwalas ang mukha ni Scarlet at kumain na rin.

"Ikaw rin Kath" saad ko sa GF ni Lucas.

"Ay ate hindi na po. Nakakahiya" saad nito.

"Ikaw bahala" saad ko at ngumiti.



Nang matapos sila kumain ay kanya-kanyang akyat sila samantala ang GF ni Lucas ay naunang lumabas ng bahay para hintayin si Lucas sa gate. Iisang school lang sila pumapasok. Si Scarlet ay grade 7 na samantala si Lucas ay nasa kolehiyo.



"Can I borrow your car?" tanong ni Lucas nang makababa ito.

"Ano nangyare sa kotse mo?" tanong ko.

"Walang gas. Nakalimutan ko" saad nito at basta na lang na hinila si Scarlet sabay dampot sa susi ng sasakyan ko saka lumabas.

"Hayaan mo na Sophia. Nagtatampo lang sila" saad ni lola habang kumakain kami ng umagahan. Ngumiti lang ako kay lola at nagpaalam na rin na papasok na ako sa trabaho. Nagbilin din ako sa nutritionish ni lola bago lumabas ng bahay.



Mamasahe na lang siguro ako ngayon. Alam ko naman na ayaw ni Lucas na ginagamit ko saaakyan niya. Noong isang beses kasi na nanghiram ako ayaw niya.



Sumakay ako ng jeep at nagbayad. Muli ko tinignan ang record na napicturan ko noong nakaraang linggo. Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa rin akong lakas ng loob para tawagan o puntahan yung lalaking nakakuha sa puso ni Henrich.



"Para po" saad ko at bumaba.



Nang nakababa ako ay nilakad ko ang papunta sa sakayan ng bus. Isang bus na lang at makakarating na rin naman na ako sa hospital.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now